BOON PAIR
March 22, 2013
Kinuha ko ang planner ko, nilagyan ng 'X' ang date ngayon. Tinignan ko ang iba pang sunod na araw,
March 22-24 Boon Pair.
March 24, Paired-up party.
April 05, 2013 - NSTP Psych.
Mabilis na dumaan ang mga araw, natapos ang training ko at seminar sa public-speaking, at ngayon, nandito kami sa isang room para sa First meeting for the Boon Pair.
Tinignan ko ang hot pink combined with black- invitation envelope na nakaipit sa planner ko. Binigay ko kanila Dara ang dalawa para maka-attend din sila, at ang isa, ay ang binigay ni Chill.
"Here are the activities, since sa Batangas 'yon, pwede nyo'ng gawin ang gusto nyo sa first day, pero 'pag dating ng gabi, magkakaroon tayo ng isang cheer. Next is, Bonfire. Iyon ang night activities, ang yell and bonfire at the oceanside pier."
"Tinatawag 'to, na 'It's All in the Mind' activitity."
" Para naman sa susunod na araw, ang gagawin natin ay manonood ng play na hinanda ng Psych students from the other section, and last activity, pupunta tayo sa isang Mental Institution. Okay?"
Pinasok ko ang planner sa loob ng bag ko at nag-ayos.
"Pack your things now! Kumpleto na ba?" Tanong ni Sir Abad.
Nag-head count kami at kumpleto na nga. Naupo ako sa second to the last row ng bus, umupo naman sa tabi ko si Jannie.
"Gusto mo?" Inalok nya 'ko ng hawak nyang Cheetos. Umiling ako.
Nilagay ko ang earphones sa tenga ko at natulog sa byahe, nagigising lang ako sa ilang stop overs, at kung hindi man ako kaagad makatulog, nagbabasa lang ako.
"Stop over, gising na!" Inalog ako ni Jannie para magising. Nasa isang gas station kami, at naisipan ko rin na bumaba muna.
Nag-cr ako at tinignan ang sarili ko suot ang grey sweatshirt, jeans, white slip-ons at ang favorite kong beanie.
I looked at my wrist watch, 9:08 am. Twenty-two minutes pa naman bago ulit bumalik sa bus.
Pumasok ako sa loob ng The Coffee Bean at um-order ng Hot English Breakfast Tea. Niyakap ko ang sarili ko, dahil sa giniginaw ako.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon.
From: Goy 🙊
San na kayo? Ingat. Text ka kapag nandun na kayo or kapag pauwi.
I replied,
To: Goy 🙊
I'll be back tomorrow. Don't worry.
Tinapos ko ang pag-inom ko sa tea, at lumabas na rin kaagad.
"Aayusin natin ang arrangement ng seats nyo para hindi mahirap mag-check. Mag-tabi tabi nalang ang pair." Nakita kong inaassist ni Sir Abad ang mga estudyante.
Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas ulit, hinihintay kung kelan babanggitin ang pangalan ko.
"Maramba and Hoseña."
"Apolinario and Jose."
"Padilla and Dela Cruz."
"Gonzales and Zaballa."
Kinuha ko ang Bag pack ko at nilapag 'yon sa baba. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag-earphones ulit ako kahit malolowbat na yung phone ko, sa may bandang bintana sya habang ako naman, katabi ng jump seat.
Tinitigan nya 'ko kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.
"B-Bakit?"
"Yung phone mo. Deadbatt na, nag-papatugtog ka parin." He said seriously, iniwas nya na rin ang tingin nya sakin.
Nanlaki ang mata ko at hinubad 'yon.
Hindi na 'ko nag-isip pa ng ibang bagay at pinikit ko nalang ang mga mata ko.
---
"Miss, gising na." Naramdaman kong may gumalaw sa ulunan ko kaya dinilat ko na ang mata ko at kinusot.
"How was your sleep?" He smirked.
My jaw dropped.
I slept with my head on his shoulders? Jeez!
"Baba na kayo."
"Opo Sir." Tumango ako at kinuha ang bag ko. Dang.
Nagmadali akong isuot ang bagpack ko para makalabas na kaagad.
Naglakad pa kami ng konti bago namin napuntahan ang mga room.
"Dito kayo matutulog nina Bianca, Ara, at Dea." Sir Abad handed me a key.
Binuksan ko agad ang pinto at nag-ayos naman kami ng mga gamit namin sa maliliit na cabinets. Dalawa ang kama at dalawa rin sa bawat kama.
"Hay, pagod sa byahe." Sumalampak agad si Ara sa kama at niyakap ang isang unan.
"Ako rin. Tulog muna ako." Nahiga rin si Bianca habang si Dea, binukas ang tv at nanood.
Pumasok ako sa cr at nag-shower muna. Nagbihis din ako para maka-alis muna at maka-ikot sa lugar. Nagsuot ako ng blue tank top, shorts and I tied checkered blue & white polo on my waist.
"Aalis lang ako." Nagpaalam ako kay Dea, ngumiti lang sya at tumango.
Dahil hindi ko naman talaga alam ang pupuntahan ko, naglakad-lakad muna ako sa may oceanside.
Naglalaro ang mga paa ko sa buhangin at nababasa ng tubig sa tuwing umaalon at papunta sakin ang tubig. Lumayo ako ng konti para hindi ako mabasa.
As deep as the ocean,
My mind thinks.Lumiére, I need light.
Things my eyes can't see, I wish my heart has sight.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Novela JuvenilLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky