"We will be having a Boon Pair for this class." Mr. Abad stated.Pinulot ko ang libro ko sa Sociology na nalaglag dahil nadali ko ng may kinuha ako sa tote bag na dala ko.
"Come in, hijo." Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok.
"Pakilista nga muna ng pairs na nabanggit ko kanina." Tinuro nya si Jannie na nasa dulo ng row namin.
"Okay na po." Jannie smiled.
"Right time, Gonzales. I'll pair you up with Autumn Serene."
Napatigil ako sa pag-click ng ballpen ko. Nakita ko syang tumango ng seryoso, at diretso ang tingin.
"This will happen for three days, okay? Marami kayong gagawin, but for the last day, magkakaroon tayo ng Paired-up party." Nakarinig ako ng ibang bulungan, at ang iba naman, walang kibo.
"Free to ask any dates. Pwedeng dito sa school, pwedeng hindi. We'll give each student two invitations para dito, dahil project 'to ng Event management students. Pero kung kayo naman mag-aayaan, pwede rin naman na ibigay nyo nalang sa iba yung excess invitation."
"That's it for today, good bye." Kinuha ni Sir kay Jannie ang list of pairs, gusto ko sanang ibahin ang nakalagay doon, kaya lang hindi na pwede.
Tumayo ako at naglakad pababa, naramdaman kong may sumusunod sa kin at ng nilingon ko, isang high school student ang papalapit sakin galing sa high school building ng SU.
Huminto rin naman sya ng huminto ako.
"M-May itatanong lang po ako." Kamot nito sa ulo.
Dahil Friday ngayon, nalaman ko agad kung anong grade sya dahil sa suot nyang foundation shirt na color Pink at may Juniors sa likod. He's a Junior student.
"Ano 'yon?" Ngiti ko.
"Pwede po mahingi yung number nyo?"
Tumingala ako ng may naramdaman akong kamay sa may balikat ko, si Chill.
"Bata ka pa masyado para sakanya, may boyfriend na sya, sorry. Tsaka, bawal kayo dito diba?" He explained.
"Sige Kuya, thanks ate." Kumaway sya at tumakbo na rin pabalik sa mga kasamahan nito.
Lumingon naman ako at nakita kong papaalis na si Chill.
I stayed where my feet land. Nakita ko sya na pabalik nalang sa pwesto ko, yumuko ako.
"Tell me, is there any problem?" Naisuklay nya ang kamay nyasa buhok nya.
Nanginginig akong tumingin sakanya at umiling, "W-Wala."
"Wala?"
He looks mad, and I know he is.
"Damn, after you left at the party when I was trying to dance with you?! Wala?"
I almost stopped breathing. Pinipilit kong pigilan ang luha ko dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Isang pikit lang, Autumn. Isang pikit lang.
Umiling ako at nakita ko nalang sya palayo. Umupo muna ako sa may bench at huminga saglit. I have to compose myself.
Tumayo ako at naglakad ulit, nakasalubong ko si Dara kaya inaya ko sya na sabay na kaming umuwi.
"We are having this Paired-up party, last day of school." I said while we're riding on the bus.
"Talaga?"
"Hm." I hummed. "Project daw ng EM students, event planning, meron kasi kaming Boon Pair."
"Sino'ng date mo?" She asked while I was playing on my phone even if I can not focus at things.
Umiling lang ako sakanya.
"I'll give you the invitations. Dalawa 'yon, invite mo si Kyle." Sabi ko sakanya.
"Sayang naman!" She protested, she wants it but I know her, hindi dahil masaya sya gagawin nya.
"It's okay. Ayoko na rin namang pumunta."
Tumahimik lang kami ng buong byahe at ng umuwi na, nagpa-deliver lang ng Pizza si Goy dahil hindi nya na kayang magluto sa pagod.
"Jeanelle, kain." Inabot ni Goy ang box ng Pizza kay Jeanelle at umupo naman sya sa tabi ko.
"Autumn, kung pwede next month ko nalang babayaran yung para ngayong buwan. Okay lang ba?" Tanong nya sakin.
Kumagat ako sa Pizza ko at tumango. Uminom rin ako ng Coke na nasa baso ko.
Nakatutok ang mata ko sa TV kahit hindi ko naman talaga alam ang nangyayari. Nag-unat ako, humikab, at nagpunta na sa may cr para makapag-toothbrush at makapag-hilamos.
Nakahiga ako at pinikit nalang ang mata ko.
Nagising ako sa alarm ng phone ko, tinignan ko kung anong oras, 7:09. May one minute pa, Autumn. One minute nalang.
Pinikit ko ulit ang mata ko sa loob ng ilang segundo, para lang mawala ang hilo ko at sakto namang 7:10 na.
Nag-unat ako dahil sa masakit na likod ko, nag-toothbrush na 'ko, at naligo kaagad.
---
Sumakay ako sa jeep ng campus papasok ng Demostrante Hall dahil ngayon ang scheduled training namin para sa magiging seminar at public-speaking.
Kumatok ako sa room 344 at isang babae na mga nasa-mid 20s ang nagbukas. Nagsulat ako ng dapat kopyahin sa white board, at may inabot sa'ming notes si Mrs. Dunca.
Tips for Public-speaking.
"Ah, Ms. Zaballa, pumunta ka sa may office ko pagkatapos mo sa lecture."
Tumango ako kay Ms. Domingo at bumalik sa pagsusulat, after a few minutes, inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng room. Nagpaalam na 'ko kay Ma'am Dunca ng malaman nyang tapos na rin ako sa lecture.
"Thank you po." I smiled.
"Sige, next Tuesday. Till 7:30 pm tayo ha?"
Tumango ako at umalis na sa room. Nagpunta ako malapit sa isang office at chineck ang bulletin board para malaman kung saan ba ang room ni Ms. Domingo.
Room 412. Agad akong nagpunta sa may hagdan at umakyat papunta sa room 412.
I knocked three times before twisting the door knob.
"Ma'am?" I smiled.
"Ay, come and sit here." Umupo naman ako sa upuan at tumingin sakanya.
"Pinapabigay lang ni Mr. Abad 'tong invitation para daw sa Paired-up party. Dalawa 'yan." Inabot nya sakin yung invitation at tumango naman ako.
"Thank you po." Yumuko ako at tatayo na sana ng tawagin nya ulit ako.
"Ah, eto pa pala." She handed me another invitation. Tatlo?
"Galing kay--" Chineck nya yung pangalang nakasulat sa papel.
"Mr. Gonzales." She smiled.
Gonzales?
"T-Thank you po ulit." Nginitian ko si Ma'am Domingo at lumabas na ng office nya.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky