Normal lang naman na hindi kami magpansinan muna after what happened last night. Nabigla namin ang isa't-isa. At sa parte ko, bilang isang babae, normal lang naman na mahiya ako. After the holding hands scenario, the 'Bigyan-ng-Jacket-Yan' weirdness, and after what he all said to me.
Imbes na hindi ako makatulog dahil kay Ed, nahirapan akong huminga dahil sakanya. Akala ko sa movies lang nangyayari ang kabang mararamdaman kapag nakikita mo sya. Ang cheesy pakinggan, but yeah. I find it that way. My hands turned cold after what happened. Nakakahiya, pero feeling ko napasma ang kamay ko. Ew.
After ng Filipino subject ko, lumabas ako para magpahangin. At mas lalo lang gumulo ang isip ko-- may mga bagay palang kahit hindi tanong, dapat kong sagutin. She's been waiting for me. A long time. And the way she begged, may part na naaawa ako sakanya at may part na naiinis ako.
Ang selfish nya.
Kung tutuusin, napaka. Because he had been hers. Nasakanya na sya. Pero ngayong nasa iba na, bakit kailangan nya pang bawiin? Para sakin, I have a right na mainis. You can't get what you want when you simply just want to.
Pero, hindi ba nagiging selfish rin ako?
"Love-- friendship love. Or the other way it is."
Mamimili ka lang sa dalawa, Autumn. At kapag pumili ka ng isa, wala ng bawian.
Tumingin ako sa mga puno to relax my eyes. Tumitingin sa bawat taong dumadaan, at napatingin rin ako sa may basketball court. Patagal ng patagal, pagulo lang ng pagulo isip ko.
Feeling ko kasi sa bawat desisyon ko, may masasaktan ako. I don't want to think of myself as a protagonist, always good and never been a pain in the ahs. Kasi mali, hindi naman ako perpekto gaya ng iba. Naguguluhan ako, at nahihirapan rin ako.
"Hindi mo naman kailangang mahirapan." Napalingon ako at nakita siya sa tabi ko.
Ngumiti lang ako sakanya at tinanggal ang pagkagulat.
"Ang gulo kasi."
"Akala ko rin nung una, wala lang." I smiled bitterly.
"Hindi lang naman isa yung nanjan para sayo." Inakbayan nya ako, I forced a smile.
"Hump..." Tumingin ako.
Nagiging selfish ako. Nakakasakit ako ng mga tao. It's just simply about them or about me.
Kapag pinili ko ang isa, maraming masasaktan. Kapag pinili ko sila, sarili ko ang sasaktan ko...
Or maybe him too.
I wonder if, will I ever experience waves of euphoria after this confusion? Or will I feel confusion after waves of euphoria?
"Naiintindihan ko. Tutulungan kita, but promise me not to cry again." Niyakap nya 'ko.
"I can't." I hugged him back.
"Just try."
"Mahal kita." He tapped my back.
I froze. It's not that I'm feeling something weird, but everything's not right. I hate hurting people, and I always will.
"Benevolence." He continued after the hug.
Nanahimik lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Masyado pang magulo.
"My love will always be a generous gift, benevolent." Tinignan nya 'ko sa mga mata ko at nagpatuloy.
Nakita ko ang lungkot sa mata nya, and I want to pull my hair, punch my cheeks and hurt myself for what he is feeling right now.
"And unrequited."
Naramdaman ko nalang ang awa sa sarili ko. Hindi ko talaga maintindihan kung kanino ko dapat mararamdaman ang awa ko.
At kung kanino ibibigay ang 'Sorry' ko.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky