"Number one, binilisan mo ang takbo ng motor mo." Nakapamewang kong sabi.
"Number two, sa iba mo 'ko dinala." Seryoso kong tingin.
"Number three, may ginawa kang kakaiba." Nagsimula ng kumunot yung noo ko.
"Humanda ka na, papatayin kita, at magiging botcha ka pa!" Sigaw ko at nagsimulang ilabas ang G-Tec ko.
"Ballpen?" Nagtatakang tanong nya.
Napatulala rin ako sa hawak ko, nag-isip ng palusot para manlang magulat o matakot sya sa mga pinag-gagawa ko dahil sa pang-iiwan nya sakin. Nakakainis!
"A-Ano... Matulis 'yan! Ano, ha?!" Tinuro ko sakanya. Pinagsalubong ko ang kilay ko, I looked at his eyes so hard but then I only felt is the abnegation in myself that he really has this cold, shivering, drop-dead eyes.
"What? Should I laugh?" Nawi-weirdohang sabi nya.
"EH SAN MO BA KASI AKO DINALA?!" Inis na inis na inis kong sigaw, nawala rin ang pagkatulala ko sa mga mata nya.
Wala akong magawa, hindi ako makaganti. Pero bakit sya, lagi akong napapagtripan? Naiinis na talaga ako.
Okay, this is sort of immature for a sixteen year old, young-lady. Ang immature na tutukan ko sya ng G-Tec na wala ng tinta at nagtatae na naging rason pa para matintahan ang kamay ko na malinis. But if you're with a person whom you hate and brought you somewhere Elysium- okay, I mean it. This place is somewhat heaven, stunning. Pero kung dadalhin ka nya sa lugar na hindi mo alam kung saan at gabi na? Huh.
"Again, where did you bring me?"
"Camelot I guess?" He said seriously without looking unto me.
Nakakunot lang ang noo kong nakatingin sakanya.
Anong oras na ba? 11:55pm na. Hinahanap na 'ko ni Goy sa malamang. Nagulat ako sa sinabi nya at hindi maintindihan kung bakit 'yon ang sinabi nya. Dang!
"Ano bang ginagawa natin dito?" Mahinahon kong sinabi.
Tumingin ako sa paligid. Tahimik, madilim at tanging ang buwan at mga bituin lang ang nagsisilbing liwanag, maraming puno na walang dahon.
Pero isa lang na puno ang nilapitan ko, kung saan may swing.
"Ewan ko rin. I just want to bring you here." He followed me while I sit on the swing.
I put a force and kicked the ground to make the swing move.
"S-Shoot!" Napasigaw ako nung muntikan na akong malaglag.
"Mag-ingat ka." Hinawakan nya 'ko at inalalayan para makatayo.
Tumingin ako sakanya, and our eyes met.
"The higher you go up, the greater the fall. Vast amount of gravity will make you topple."
Umiwas ako ng tingin at naglakad.
Tinignan ko ang wristwatch ko, 11:59 pm.
"Uuwi na 'ko." I said.
And by the time the clock strikes twelve, "I'll be your greatest delusion." He said.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky