Hinawi ko yung mga buhok na napunta sa mukha ko at sinuklay ito gamit ng kamay ko.
Binalik ko ang earphones ko sa tenga at ininom ang kape ko habang naglalakad papunta sa may field. Tatlong oras pa bago ang next class namin, at alam mo yung nakakainis? Yung walang kwentang prof. na kapag may lakad ka, ang tagal magpa-dismiss pero kapag aaksayahin mo lang yung tatlong oras mo sa pag gawa ng wala, eh sobrang bilis mag-dismiss.
"Dara!" Nakita ko si Dara na inaayos ang gamit nya, pero parang bulag sya na hindi ako nakita at walang kaalam-alam na inaantay ko sya.
Tumakbo ako papunta sakanya, at finally, nakita nya rin ako. I was about to run towards her but I bumped into a tall, white man. Napakagat ako sa labi ko, ang gwapo.
Pero napakagat ako ng mas madiin ng makita ko na natapunan ko pala sya nung Cold coffee na hawak ko. Ohmyghad.
"Hindi kayang mag-ingat? Tss. Ang lagkit oh," Sabi nya kaya pinunasan ko sya ng panyo ko.
"Hindi. Ay, A-ah, sorry. Ano kasi, ano. Eto nalang oh, panyo? Wait, may tissue ako sa bag." Tarantang sabi ko. Calm down, Ot. Calm down.
Tumingin ulit ako sakanya. Have I seen him already?
"I think I know you?" Sabi ko sakanya habang nakatitig.
"Talaga?" Sabi nya ng parang mejo asar.
"Yeah. I really think I've seen you before." I muttered.
"Ah, yeah yeah. Oo nga, magkakilala tayo." Sabi nya then smirked. Angas.
"Oo, tama. Pero san nga?" I asked him a query.
"Ikaw yung babaeng gustong-gusto kong patayin sa panaginip ko, pwede tumabi ka lang sandali? Ang daldal mo!" Pasigaw na sabi nya.
PIGILAN NYO 'KO! Ay teka, wala palang pipigil.
"Oh, ayan," Isa-isa kong tinanggal sa plastic ang bawat piraso ng tissue at tinulak sakanya 'yon. "ISAKSAK MO SA LUNGS MO! GUSTO KO TAGANG-TAGA! MULA SA PINAKAMALALIM! ANG YABANG MO!" Napasigaw ako ng sobrang lakas.
That vain man. Tandaan mo ang araw na 'to. Tandaan mo.
"Seriously, Autumn? Two weeks at may kaaway ka agad?" I whispered to myself.
Nilapitan ko si Dara at pinagtawanan nya lang ako, ngayon ko sya naintindihan.
"Ugh, Dara. UGHHHHH!" I clench my fist at sa sobrang inis ko, kulang nalang pumutok yung ugat sa ulo at sa puso at sa utak ko. UGH.
I hate him. I hate him. And for the last time, I freakinly hate him.
Chill's POV
Isaksak mula sa pinakamalalim? Tss.
Naiinis ako sa mga taong nagsasabi na porket babae hindi na dapat pinapatulan. Eh kung sinapak ko yung kanina? Edi sana nabigyan ko pa nang hustisya kalalakihan.
Kapag lalaki nananakit bawal, eh kapag babae kulang nalang katayin katawan tapos itago sa ref.
Curse that damn girl.
Kinuha ko yung nag-iisang dala kong white t-shirt at nagpalit. Badtrip lang talaga. Kung hindi lang P.E ngayon kanina pa 'ko kumatay ng manok at inalay yun para sa paghingi ng tawad. Badtrip.
Naghintay ako sa tapat ng Room 304 sa may NB11 Hall dahil malapit ng lumabas si Ella. Tumingin ako sa Casio na wristwatch ko. 7:30 pm narin pala.
"Boo!" Ginulat ako ni Ella.
"Woah. Gulat ako." I said then raised both of my hands into the air with my blank face.
"Pss. Tara na nga, ang sakit ng paa ko." Sabi nya at hinubad yung sapatos nya, pumasan sa likod ko.
"Tss. 'Wag kasi! Baboy ka eh." Reklamo ko dahil sobrang bigat nya.
"Ah, okay." Bumaba sya, sinuot ang sapatos nya sabay simangot.
Feeling nya naman naawa ako?
"How's Elle?" I asked.
"Ewan ko dun." Sagot nya. Anong klase ba 'to?
"Kakambal mo ta's hindi mo alam?" Mejo naiinis na sagot ko.
"Ewan ko nga. Hindi naman kami close. Tsaka, bakit ba? Manliligaw ka nanaman sakanya? Ha?" Parang bata nyang sabi.
Malapit kami sa may field at imbes na dumiretso sa paglalakad, umupo sya sa baba ng puno. Naglagay ako ng earphones at nakinig muna.
Nagulat ako ng biglang niyang hinatak.
"Ano?" Pinilit kong agawin sakanya yun, pero hindi nya binigay.
"Sa Henderson's sya. S-Sila na ulit ni Neon." Nakayukong sabi nya.
Tumango lang ako at tumayo. "Akin na." Inabot nya naman kaagad sa akin yung earphones.
Umuwi na 'ko paghatid ko kay Ella. Putspa, may masama ba 'kong ginawa? Na-timing pa na hinatid ni Neon si Elle sa bahay nila.
Hindi ko sila pinansin. At wala akong balak pansinin sila.
Nag- vibrate yung phone ko at tinignan yung message na natanggap ko mula sa isang unknown number.
From: 0922xxxxxxxx
She's not the only one. May iba ka pang pwedeng kasama.
Anak ng tipaklong, pakpak ay malutong.
May iba bang nasa tabi ko? Hindi. Wrong send lang siguro 'to.
"Tol." Sabi ni Neon. Tol? Wow. Great, you just have the guts to call me Tol. Tss.
"Kung itatanong nyo lang kung kamusta ako, hindi ako okay. And I will never be okay for the known misconceptions. Ingat tol." Sabi ko, nilagay ulit yung earphones ko at naglakad.
Call me a jerk.
Dahil jerk na 'ko, sincebirth.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Novela JuvenilLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky