"Tsk, mukhang naging okay ang honeymoon ah, nag glow ang skin mo pre," kantyaw sakanya ni Ashton.
Hindi niya ito pinansin at napangiting umiling lamang.
Nasa opisina na siya at alam niyang napaaga siya kaya hindi niya maintindihan kung bakit nandito na ang kaibigang si Ashton.
"At yang mga ngiti mo pre, hindi ko maipaliwanag, ang ganda sobra,"
Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
"Talaga namang naenganyo ka sa ganda ng diwata mo at ng Maldives ano, ibang-iba ka talaga pre, yang awra mo, yang tikas ng katawan mo-" lumapit ito sakanya. "And wow, look at this muscles of yours!" At pinisil-pisil ang braso niya.
"Pakiss nga," at huli na ng makaiwas siya nahalikan na siya nito sa pisngi.
"Tang-ina, ano bang problema mo!" Aniya at nandidiring pinunasan ang pisngi niya. Tsaka may dinukot sa bag at binato kay Ashton.
"Ayun, kiss lang pala makakapagpakuha sayo ng pasalubong ko," anito at tawa ng tawa.
"Langya ka talaga, yan lang pinunta mo dito ng ganito kaaga!" Aniya.
"At bakit mayroon pa bang iba?"
"Aba malay ko kung gusto mo ako kamustahin--"
"Tsk, alam ko namang walang mangyayari sayong masama. Ang mas inaalala ko ay ang asawa mo baka isang buwang hindi na yun makalakad sa pinaggagawa niyo doon," at humalakhak ang loko.
"Good morning people!" Sigaw ng bagong dating na si Josh.
Pinukol niya ito ng masamang tingin ng nakangiting tumingin ito sakanya.
"Wow! Look at you pre," at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
He look at him in a bored way.
"Nagglow yang skin mo--"
Binato niya ito kaya napatigil sa pagsasalita.
"Thanks pre!" Sigaw nito sabay lapit sakanya at pilit hinahalikan siya.
"Tang-ina ano ba!" Reklamo niya.
"Isang halik lang ang damot naman nito," reklamong pabalik ni Josh.
"Geez, what's wrong with you two," bagot na anya.
"Eh sa namiss ka namin, isang linggo ka ba namang nawala," sabat ni Kapriel na kadarating din lang.
He groaned and get the last piece of souvenir and throw it to Kapriel who automatically catch it.
"Thanks," he said.
"So how's honeymoon," ani Josh.
"Ayun, so pasalubong muna bago kamustahan ganun,"
Tumawa ang mga ito.
"Bakit okay ka naman, ang tanong eh okay ba ang asawa mo?" Sagot ni Kapriel.
"She is fine. Mas inuuna niyo na talaga siyang kinakamusta kesa sa akin, maski si Ashton nabahala din sakanya," nagtatampong kunwaring sabi niya.
"Aba'y malamang. Siya ang dehado dito. For sure madami kayong ginawa doon tama," tanong ni Josh.
"Yeah--"
"So ano kamusta siya? Nilagnat ba? Napagod?" Tanong ni Ash.
"Fever? No, no. Actually she enjoy it a lot. Every single thing that we do actually," he said smiling while remembering the happy face of Isla. "But ofcourse hindi naman maiiwasan na mapagod siya,"
"So, sure na may nabuo na?"
"Yeah ofcourse–wait–what? Anong nabuo?" Tanong niya.
"Ano ba nabubuo sa honeymoon,"
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...