CHAPTER 37

29 4 2
                                    

She feel blissful as she enter the hotel where she going to meet her husband. Outside the hotel is nice. It is friendly to nature that's why she love it. All the staff are friendly also as she step in.

"Good morning ma'am, how may I help you," the receptionist ask politely .

"Morning, I have a reservation for Carl Andrada?"

"Give me a minute ma'am," at tinignan ang computer sa harap nito, pagkwa'y tinawag ang isang kasamahan. "Thank you for waiting ma'am, Mr. Andrada request to meet you at the event hall and here is the key of your room,"

"Room?" Takang anya.

"Yes Ma'am. She will assist you at the event hall,"

Kahit nagtataka man ay sumunod pa din siya sa isang staff. Umupo siya sa table kung saan malapit ito sa bintana at kita ang view ng lugar. Magaling talaga pumili ang asawa at alam nito ang kanyang hilig. Kinuha niya ang kanyang phone at nagmessage sa asawa na andoon na siya. Pero hindi niya napansin na hindi ito nagsend.

Masaya siyang nagmamasid sa lugar at hindi niya namalayan ang oras hanggang sa makaramdam siya ng gutom titignan niya sana ang phone para tignan ang oras ng makitang naka off ito. Pinilit niyang buksan pero mukhang dead battery na siya. Napagdesisyunan na lang niyang kumain na muna at pagkatapos ay bumaba ulit at pumunta sa receptionist.

Doon niya nalaman na katatawag lamang ng asawa niya at sinabing malalate daw kaunti. Sinabihan siya ng receptionist na pwede muna na muna niyang ukupain ang kwarto na nereserve ng asawa at dahil nakaramdam din siya ng antok pagkatapos kumain ay sumangayon siya.

Nagising siya ng dahil kumakalam ang kanyang sikmura. Lately, napapansin niya lagi siyang gutom at hilig matulog. Napasimangot tuloy siya baka mamaya bigla siyang tumaba. Kaya naman agad aiyang bumangon at tinignan ang sarili sa salamin wala pa namang nagbabago sa katawan niya kaya napangiti siya. Siguro uumpisahan na niyang sumama kay Radleigh na magjogging sa umaga.

Nakangiti siya ng bumalik sa event hall na may mga mangilan-ngilang kumakain din. Pagkatapos niyang kumain kinuha niya ang phone at binuksan iyon. Nagrequest siya sa receptionist kanina na hihiram siya ng charger. Pagkabukas ng phone niya alas sais na ng gabi. Nag-umpisa na siyang malungkot.

'Did he forgot?'

Bakit wala pa din ang asawa. Susubukan na niya sanang tawagan ito ng bigla ay makarinig siya ng pagsabog at pagyanig ng lugar. Napatayo siya ng wala sa oras at ganoon din ang ibang tao doon.

"What happen?"

"Is there an earthquake!?"

Ilan sa mga narinig niyang komento ng mga andoon. Napalunok siya at nakaramdam ng kaunting kaba.

"Miss mas maganda siguro kung pumarito ka sa gitna at huwag diyan sa tabi ng bintana," ani ng isang lalaki sa kanya.

"A-ah, o-oo," sa nanginginig na mga paa ay pilit niyang inihakbang papunta sa mga kasamahan sa loob.

"We need to find the exit," anang naman ng isa. "We cannot use the elevator if it's earthquake, there's a tendency electricity will shut off and we will stock inside if we go there,"

Everyone agreed.

"M-mas maganda siguro kung huminayon tayong lahat at maingat na lumabas?" Suhesyon ng isa na sinang-ayunan ulit nilang lahat.

Pero hindi pa man sila nakakahakbang ay bigla na namang yumanig kasabay ng isang malakas na pagsabog, sa lakas nito ay nagkaroon ng crack ang bubong at nagsilaglagan ang ilang mga ilaw.

"Watch out!" Sigaw ng katabi. Buti na lamang nahila siya nito kundi nabagsakan na siya ng chandelier.

"T-thanks,"mahinang sambit niya.

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon