CHAPTER 18

26 3 0
                                    

"So paano mo nakikila ang boyfriend ko?" Kinuha niya ang kumot at pinangtakip sa kanyang katawan bago bumangon at kinuha ang sigarilyo.

"Gaya ng sabi ko sayo nakilala ko siya dahil siya ang pinagkasundong asawahin ni Isla,"

"And this Isla?" Putol niya sa sinasabi nito.

"She is my cousin--"

"Talaga?"putol niya ulit dito at humithit sa sigarilyo. "Pero sa pagkakakwento mo kanina parang hindi mo naman pinsan?"

"Actually we are not blood related. Pareho lang kami ng apelyedo pero hindi ko talaga siya pamilya,"

"Mmm so she is adopted?" Aniya at bumuga.

"Yes,"

"So I am concluding that you have a thing for her?" May aliw sa tuno ng kanyang pananalita.

"Hindi na ako magsisinungaling pa sayo. Mula pagkabata may gusto na ako sakanya pero hindi pwede. Dahil sa mga mata ng tao magpinsan kami at tutol din ang pamilya ko. Alam ng mga ito na may pagtingin ako sakanya,"

"Eh ganun naman pala bakit hindi ka pa maghanap ng iba,"aniya at pinatay na ang sigarilyo dahil ubos na ito tsaka umupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Alam ko pero siya ang gusto ko eh. Kaso nagbago ang lahat ng ipakasal siya sa Carl Andrada na yun. Hindi ko na siya gusto," galit na turan nito.

Napataas ang kanyang kilay at napatingin dito.

"Naman pala hindi mo na gusto eh ano pang sinasabi mo na makikipagtulungan ka sa akin para maghiwalay yung dalawa?"

Yesterday, when Carl talk to her at the restaurant–breaking up with her. She feel furious. Now that she needed him the most, he just suddenly dump her like a garbage.

Hindi niya alam na nakamasaid sakanila si Anthon. Ang lalaking kasama niya ngayon. Sinundan din siya nito sa condo ni Carl at ng lumabas siya doon siya kinausap nito na kilala nito ang asawa ni Carl. Naging interesado siya at pumunta sila sa isang bar hanggang sa umabot sila sa hotel.

"Yeah nagbago na," malademonyong ngiti nito. "Gusto ko siya noon dahil alam kung birhen pa ito. Pero ngayon paniguradong nakuha na siya ng gagong asawa niya. Kaya ngayon gusto ko na lamang na tikman at pagkatapos itapon na parang basura,"

Napangisi siya.

"Ano mapapala ko sa pakikipagtulungan sayo kung ganoon?"

Lumapit ito sakanya at hinalikan sa balikat.

"Malaki," ngisi nito. "Kasi hindi bat hiniwalayan ka dahil sa may asawa na? Gaya ng sabi ko pagkatapos ko pagsawaan itatapon ko ng parang basura—itatapon sa malayong lugar kung saan hindi na sisikatan ng araw," anito at humalakhak na parang demonyo.

"P-papatayin mo?" Gulat niyang sabi.

"Huwag kang mag-alala hindi lang naman ako ang may gusto na mawala na siya sa mundo may mga taong gagawa noon pero huwag na tayong makisali. Basta ang sa akin lang gagamitin at pagsawaan ko muna bago pa man patayin, sayang din naman kasi. At kapag wala na siya—siguradong babalikan ka ng ex mo,"

"A-ayoko,"

"Huh? Ayaw mo ng balikan ang ex mo?"

"I mean, gusto ko maging maayos kami pero hindi sa ganyang pamamaraan--"

"Honey, relax! Gaya ng sabi ko hindi ako ang papatay. Si Isla ay ampon pero napunta sakanya halos lahat ng yaman ng lolo namin. Kung kaya madami ang nainggit. Nasa mansyon ako noong isang araw at aksidente kong narinig na may pinapagalitan ang isang Tita ko na tao dahil ang simple lang daw ng pinapagawa hindi pa naisagawa ng maayos. At habang tumatagal nabanggit nga nila na gusto nilang mawala ito para lahat ng mana ay paghahati-hatian ng anak ni Lolo," walang ka abog-abog nitong kwento.

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon