CHAPTER 42

36 5 3
                                    

Nagtaka na siya kung bakit parang kilala siya ng secretary pero binalewala niya dahil baka nga naman nakasulat ang pangalan siya sa mga guess at kilala din naman siya kahit papaano sa society pero yung paupuin siya sa harap at kausapin siya ng ganoon ng presidente ay talagang nawindang siya.

'Tito?! Really!'

Bago pa man siya makapagtanong bakit ganoon ang sinabi nito ay biglang pumasok ang sekretary at may binulong sa presidente.

"Ladies and gentlemen, please all stand up and I am happy to introduce to you the owner and CEO of Island Empire Mr. Aeres Ariston and Mrs. Ceres Ariston!" Malakas na sigaw ng presidente at nagsipalakpakan ang lahat.

Samantalang siya hindi nakakilos at nakatayo lamang, ang tingin ay nakasunod sa mag-asawa na naglalakad, bumabati at ngumingiti sa mga share holders. Doon sila sa kabila dumaan kaya hindi siya napansin ng mga ito at dumeretso na sa harap.

Noong nagpunta ang mag-asawa sa Builder World para kunin ang kanilang serbisyo alam niyang may kaya ang mag-asawa dahil na din sa pagiging natural na supistikado ng mga ito at may ari ng ilang businesses pero nakalimutan atang sabihin ng kaibigang si Kapriel ang pinaka-importanteng bagay at yun ay ang pag-aari ng mga ito ang Island Empire!

"Thank you everyone please to meet you all," nagagalak na wika ni Mr. Ariston. "We are glad that we finally meet all of you here in the Philippines. Actually we plan to visit here before but something come up and it always postponed. But now! Here we are," masayang dagdag nito. "Oh my bad please have a seat,"

Because he is still in shock he didn't catch up what he said and remained standing.

"Oh hi Mr. Andrada!" Magiliw na bati ni Mrs. Ariston na nakapagpabalik sa kanyang huwisyo ngunit makikitaan ng pagtataka ang ginang.

Alanganin siyang ngumiti at tango lamang ang kanyang nagawa bago tuluyang umupo ng mapansin niyang siya lang ang nakatayo. Ngumiti din siya kay Mr. Ariston na nakakunot naman ang noo tsaka tumingin sa presidente na nakangiti lamang.

Nagpakilala muli ang mag-asawa at lahat ay nagulat ng malamang mga pilipino ang mga ito. Nagpaliwanag ang mag-asawa na hindi sila nanirahan ng matagal sa pilipinas at doon na sa Europe nagtrabaho dahil ang mga magulang nila ay doon din nakatira. Sila ay kalahating pinoy at kalahating kastila kaya mukha silang mga banyaga. Isinalaysay ng mga ito kung paano nag-umpisa ang Island Empire na sinimulan ng magulang ni Mr. Ariston hanggang sa ito ay lumago ng lumago sa buong mundo.

Nabanggit din ng mga ito na muntik ng mawala sakanila ang Empire dahil sa pagkawala ng anak. Ngunit masayang binalita ng mag-asawa na sa wakas sa mahabang panahon na nawalay ang anak ng mga ito ay sa wakas nakita at nahanap na din nila.

Isa siya sa mga taong masaya sa binalita ng mag-asawa.

"At yun ang dahilan bakit kami narito ngayon, handa na siyang maging parte ng Island Empire and eventually kapag natuto na siya sa lahat at alam na ang pasikot-sikot sa Empire, siya na ang magiging CEO!"

Nagpalakpakan naman ang lahat.

"But before we procede on that matter I just want to acknowledge the problem here regarding Mr. Amaryllis," seryong saad ni Tita Ceres. "Nasabi na siguro ni Mr. Jake na matagal ng hindi stock holder si Mr. Amaryllis. Siya yung taong tumulong sa amin ng panahong kami ay lugmok at malapit ng bumigay noon dahil nalulugi na ang Empire. Hindi namin alam ang rason niya bakit binigay siya samin lahat ng kanyang share at tinulungan umahon noon. Pero dahil madami kaming iniisip at talagang kailangan namin ang tulong hindi kami nagtanong. Gumawa ito ng kasulatan na hahayaan muna siyang maging share holder at nakapangalan pa din sakanya ang lahat ng kanyang asset at makakatanggap pa din ng tamang halaga ng pera ngunit sabi niya kapag siya ay namatay doon na namin pwedeng ilipat ang lahat ng kanyang assets,"

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon