After there anniversary and his wife belated birthday celebration, he did his friend said. He decided to do his first plan before that just go and visit Aira three times a week.
He called Nanay Sela. The one who is helping Laila take care Aira.
"Ay kayo po pala Sir,"
"Opo Nay, kamusta po si Aira?"
"Eh ayos naman Sir, ayun po natutulog sa kwarto."
"Ganun po ba. Hindi po kasi ako makakadaan mamaya, gagabihin na po kasi ako," pagsisinungaling niya.
"Aba'y ayos lang naman at wala kami sa Manila Sir,"
Napakunot-noo siya.
"Nasaan po kayo?"
"Andito kami sa Tagaytay Sir, sabi ni Ma'am Laila dito daw muna kami ng isang linggo,"napabuntong-hininga ang ginang.
Lalo siyang nagtaka. Walang sinasabi sakanya si Laila.
"Sir hindi po sa nakikialam ako ano. Alam ko ang sitwasyon mo dahil na din sa nakwento mo sa akin. Alam ko na nararamdaman niyo pong mahal pa din kayo ni Ma'am Laila at ginagamit ang anak niyo para mas maging malapit kayo ulit,"
Hindi lang pala siya ang nakakaramdam. Siya ang pumili sa ginang na mag-alaga kay Aira dahil kilala niya ang pamilya nito. Kapit-bahay nila ang ginang sa probinsya at alam niyang mabait at mapagkakatiwalaan dahil nanilbihan din ito sakanila noon.
"Gaya po ngayon. Sabi po ni Ma'am Laila dumito daw muna kami at huwag daw sasabihin sayo para pumunta pa din daw kayo. Eh anonpa gagawin niyo dun kung wala naman pala si Aira? Mamaya kung ano pa maisipan ni Ma'am Laila. Sir napakabuti ng pamilya niyo sa amin at hanggat maaari mga ganitong bagay man lang makabawi ako. Iho tingin ko din niloloko kayo ni Ma'am Laila,"
"A-ano po ibig niyong sabihin?"
'Lukuhin in what way?'
"Kasi Sir pasensya na pero narinig ko kayo noong minsan sabi niya na ikaw lang daw po ang minahal niya at dumaang lalaki sa buhay niya pero araw-araw na may pumupuntang lalaki sa bahay. Nagkukulong po agad sila kwarto. Alangan namang nag-uusap lang silang dalawa doon eh halos doon na sila maghapon!"
Napangiti siya. Mabait si Nanay Sela may pagkamadaldal nga lang at prangka. Kung may ibang minamahal naman na si Laila then he is one of those person who gonna be happy. He is happy anyway with his wife and as much as possible he wanted Laila to be the same.
"Ibigay na po natin yun sakanya Nay kung doon po siya masaya eh--"
"Andoon na ako,"putol nito. "Eh bakit lumalandi pa din sayo? Kung may kasintahan na pala bakit kailangan pang lapit ng lapit sayo!"
Napailing siya. Pero may katutuhanan ang sinabi nito. Kaya nga naiisip niya na may plano itong gantihan siya.
"Yaan na lang natin Nay," magpapaalam na sana siya ng maunahan naman siya ng ginang sa pagsasalita.
"At isa pa iho, tong anak mo mas kamukha niya yung lalaking nagpupunta sa bahay kesa sayo," doon nakuha ang atensyon niya. Naibaba niya ang hawak na file at tinuon ang atensyon sa kausap.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Kunot-noong anya.
"Yung sinasabi ko na kasintahan ni Ma'am Laila. Kamukha talaga ng anak mo,—kung anak mo nga ang batang ito,"
Hindi niya na naituloy ang tinitignan na mga files dahil sa sinabi ng ginang. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sakanyang hindi niya kamukha ang anak. Mga kaibigan din niya. Pero dahil nasabi ng mga ito na hindi naman lahat eh nagiging kamukha ng magulang at pwedeng mga kamag-anak.
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...