Mabilis ang lumipas ang araw at tatlong buwan na simula ng kinasal sila. Wala naman silang problema ng asawa niya. Bukod sa lalo nilang nakikilala ang isa't-isa mas napapalapit pa sila. Gaya ng araw-araw na ginagawa nila. Maghahanda at kakain ng umagahan ng sabay, papasok si Carl siya naman magaayos sa bahay at pagkatapos ay aalis kasama si Janice para mamasyal o magshoppping. Tapos sa hapon uuwi siya magluluto ng dinner at sabay uliy silang kakain. Magkukulitan, mag-uusap at pagkatapos ay matutulog. Madami ang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't-isa gaya na lamang ng magkatabi na silang matulog na dalawa.
"So ano na magiging ninang na ba ako?" Excited na tanong ni Janice habang umiinom ng kape. Nasa starbucks sila ngayon.
Inirapan niya ito.
"Mukha ba akong buntis?"
"Ay hindi pa? Wala pa?"
Umiling siya. Nalungkot naman ito.
"Eh bakit ang takaw mo kumain at ang dami pa?"
"Dati naman ah," nagtatakang anya.
"Ay dati ba? Napakaboring naman pala ng may asawa. Bakit hanggang ngayon wala pa din nangyayari sa inyo?"
"Ewan ko sayo. Eh hindi naman normal ang dahilan kung bakit nagpakasal kami--"
"Maski na!" Putol nito. "Hindi mo ba sinusuot yung mga binili ko na pantulog o pambahay?"
Napangisi siya.
Natampal ng kaibigan ang noo.
"Naman Isla. So ano pajama at malaking tshirt pa din ang pantulog mo--"
"Ano namang masama doon!"
"Gosh. Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte na gabi-gabi may isang yummy at gwapo lalaki kang katabi?! Tapos sasayangin mo lang,"
"Nope," iling niya. "Wala sa isip ko yun,"
"Tsk, dapat talaga sayo natuturuan, paalam ka sa asawa mo, gagabihin tayo ng uwi--"
"No, no, no. Kung pupunta na naman tayo sa bar para manood ng mga lalaking–you know. Ayaw ko," mariing pag-ayaw niya.
"Napakaboring mo talaga kahit kailan,"reklamo ng kaibigan.
"Ikaw na lang tsaka mukhang dadatnan na ako ulit,"
"Mmm, may magagawa pa ba ako? So ano hatid na kita? Ayos ka lang naman hindi ba?"
"Yes I am," nakangiting sabi niya pero sa loob-loob niya hindi. Masakit ang puson niya. Ayaw nga sana niyang lumabas pero boring daw ang kaibigan kaya sinamahan niya saglit.
Pagka uwi niya hindi na niya kinaya pang magluto. Nag shower na lang siya at nahiga. Ilang minuto ang lumipas nakatanggap siya ng mensahe kay Carl na gagabihin ito kaya hindi makakasabay magdinner. Nalungkot siya akala kasi niya may karamay siya ngayon. Kailangan pa man din niya ito. Ng mga nakalipas ng buwan kasi wala siyang naramdaman na sakit sa period niya. Hindi niya alam kung ano nangyari ngayon.
Dahil sa sakit nakatulog siya at naalimpungatan dahil nilalamig. Bumangon siya kahit ang bigat ng pakiramdam niya. Malakas ang hangin kaya naman pala malamig nakalimutan niyang isara ang mga bintana. Dahan-dahan siyang naglakad at napayakap sa sarili ng biglang humangin ng malakas. Sinikap niyang isarado ng mabuti ang mga bintana. Malakas ang ulan sa labas. Kumukulog at kumidlat din ng malakas.
Napatingin siya sa wall clock. Alas nyebe na ng gabi. Mukhang wala pa ang asawa. Kahit hirap kinuha niya ang phone at tinignan kung may mensahe Carl.
'Love, sorry pero hindi pa ako makauwi, ang lakas ng ulan at may advisory na baha na ang lugar dito sa Cavite. Hindi ko alam kung ano oras ako makakabalik. Stay safe Love'
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...