Nasilaw siya sa liwanag kung kaya kinuha niya ang kumot at tinakip sa kanyang ulo.
"I am still sleeping!" Reklamo niya ng may nagtanggal ng kumot.
"Wake up Isla," rinig niya.
Pilit niyang minulat ang mga mata dahil alam niyang mag-isa lamang siya sa bahay pero bakit biglang may nagsalita.
"Carl!" Sambit niya at napabalikwas.
"Wow! Halatang patay na patay sa asawa eh noh?" Napalingon siya sa kaliwa niya at kita niya si Chandra na inaayos ang pagkakabuhol ng kurtina. Ito marahil ang nagbukas. "Kami nagpakahirap gumising sayo tapos siya hahanapin mo, ang galing!"
Nakarinig siya ng tawa sa kanan niya at kita niya si Snow.
Napakunot-noo na siya.
"M-morning?" Bati niya sa mga ito. "How did you manage to get in? And why you two are early?"
"Well, your loving and annoying husband just call us so early in the morning and said to come and remind you that your going out today," ani Chandra.
"Oh,"anya at napangiti.
"Don't tell me you forgot?" Tanong ni Snow.
"Ahm, hindi naman pero hindi pa naman ako late di ba?" Inosenteng tanong niya.
Umiling si Snow.
"Natatakot lang asawa mo na baka makalimutan mo. So now, get up. Have a breakfast and we will help you to get ready!"
She pouted.
"It's not that I don't want the help but, I can manage myself. Wala po akong sakit,"
"We know but we want to help, so go. Kahit anong sabihin mo diyan di kami aalis hanggat di ka ready," ani Chandra.
Napabuntong-hininga na lamang siya at kumilos kahit na tamad na tamad siya at gusto pa niyang mahiga.
Pagkatapos niyang maligo gaya ng sinabi ng mga kaibigan ay sinamahan siyang mag-almusal. Katatapos lang nilang kumain at magligpit ng may mag doorbell. Si Snow ang lumabas at tinignan kung sino ito.
"Isla!!!" Gulat siyang napalingon sa may pintuan ng kusina at lumaki ang mata niya ng makitang si Janice ito. Agad siyang tumayo at sinalubong ito ng isang mahigpit na yakap.
"What the fuck! Are you crying?" Biglang sabi ni Janice at humiwalay ng yakap sakanya.
Pinunas naman niya ang mga luha.
"Sorry, namiss lang kita at hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Masaya naman ako," aniya.
"Ewan ko sayo. Anyway, aside sa pupuntahan naman sana talaga kita eh they ask me," pointing to Snow and Chandra, "that you need a make over!"
"Ewan ko sainyo. Magkikita lang naman kami ni Carl--"
"Eh malay mo magpropose sayo," putol ni Janice.
Tinaasan niya ito ng kilay at tinaas ang kaliwang kamay.
"We are married Janice!"
"Ay oo nga pala,"tampal nito sa noo. "Hala sige na akyat na at papagandahin ko na kita,"
At ganun nga ang nangyari. Pagkatapos ng isang oras na kulitan, tawanan at make over natapos na din sila.
"Mmmm, your prettiness is really extraordinary," pagkway sabi ni Janice.
"Sus nambola pa,"
"But it's true Isla," ani Chandra. "At para makompleto na ang pagiging diwata mo, here wear this,"
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...