CHAPTER 38

22 4 1
                                    

Maaga siyang pumunta sa bahay ni Radleigh para kausapin ito sa nangyari sa asawa. Tinawagan niya kasi sina Kapriel pero ang sabi nito wala pa binalita sakanila. Kaya naman minarapat niyang puntahan si Radleigh. Pero hindi siya pinapasok ni Ashton kundi galit itong pinagtabuyan siya at sabi pumasok na si Radleigh sa opisina.

"She is so sad because of what happen. Hindi siya nagsalita tungkol doon at alam kong may nangyaring hindi maganda. My wife is crying for goodness sake Carl! Wala akong magawa! So please pre, huwag muna ngayon. Alam kong isa ka sa dahilan bakit nagkakaganun ang asawa ko. I don't want to talk to you either. I am trying my best to make her happy everyday and because of what happen she feel sad and guilty!"

At tinalikuran na siya ng kaibigan.

Napalunok siya.

'Something bad happen? My wife!'

Nagmadali siyang bumalik sa kanilang bahay at kinuha ang sasakyan tsaka mabilis na pinaharurot patungo sa presinto kung saan ang opisina ni Radleigh.

"Pasensya na bossing pero kung ako sayo bumalik ka na lamang bukas, mainit ang ulo ni Chief at hindi maganda ang mood--"

"Wala akong paki-alam!" Putol niya sa sinasabi ng pulis na pinagtanungan niya. "This is important matter, I need to talk to her right now!"

"Bakit ang ingay!" Napatingin siya sa lumabas sa isang kwarto at si Audrey yun.

"Audrey!" Bulalas niya at nilapitan ito. "I need to talk to Radleigh, where is she?"

"Come back next time--"

"Putang-ina!" Malakas na mura niya. "Bakit ba ganyan lahat ng sinasabi niyo! I need to talk to her because of my wife,"

"Carl, nagluluksa ngayon si Radleigh kaya hayaan muna natin siya,"

"Nagluluksa?" Bigla kumabog ang kanyang diddib. "Pero--"

"What are you doing here," isang malamig na tinig na nanggaling sa kanyang likuran.

Lumingon siya at ng makitang si Radleigh ay hinarap niya ito subalit napaatras siya kaunti dahil sa aura nito. Wala itong emosyon at nakatingin lamang sakanya. Hindi niya makitang galit ito pero iba ang dating nito at di niya alam bakit natakot siya bigla.

"W-where is my wife," matapang niyang tanong pero kung kanina ay hindi niya makitang galit ito ngayon ay biglang na lamang nag-apoy ang mga mga nito at mabilis siyang sinugod. Hinawakan siya nito sa leeg at tinulak ng malakas sa may pader.

"Radleigh!"

"Chief!"

Awat ng mga taong andoon.

"Putang-ina mo! Ngayon ka pa lang talaga pupunta at magpapakita para hanapin ang asawa mo! Pwede kang magtanong kahapon Carl, pwedeng-pwede pero pinaabot mo pa talaga ngayon!" she said in raging voice. "Napakawalang kwenta mong tao,"

Galit na galit sakanya ang kaibigan.

Nahihirapan na siyang huminga dahil padiin ng padiin ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg. Pero bago pa man siya mawalan ng hangin pabalang siya nitong binitawan at pumasok ito sa loob ng opisina nito.

Sumunod siya gaagad kahit na nahihirapang huminga. Nakatalikod ito.

"M-my w-wife--"

"Wala kang karapatang tawagin siyang asawa Carl! Saan ka noong kailangang-kailangan ka niya," mas mahinahon na ang boses nito.

"I am with my daughter! Damm it," sigaw niya.

Tumawa ng nakakaloko ang kaibigan.

"Ay oo nga pala! Pasensya na nakalimutan ko!" Sarcastic nitong sabi. "Pero andoon na ako Carl at maiintindihan ko naman sana eh. Pipilitin kong intindihin lalo na kung nakikita kong may pagpapahalaga ka sakanya, pero ni tawag o kahit mensahe na galing sayo, wala!? Ganoon ba kawalang halaga ang asawa mo? Kahit yun lang Carl, mensahe na nagtatanong kung ayos lang ba si Isla. Pero ano wala..wala! Tapos ano makikita ko ang mga pesteng larawang ito,"

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon