"So ano okay na?" Tanong sakanya ni Ashton. Ito ang pinuntahan niya ng ilang oras ng hindi makontak ang asawa.
Maaga niyang tinapos ang lahat ng kanyang trabaho para sana ayain ang asawa sa Tagaytay pero ilang oras na siyang naghihintay sa kanyang condo hindi ito dumating. Ilang beses na niya itong konokontak pero out of coverage ang phone nito ng tawagan naman niya si Janice sinabi nitong inihatid niya si Isla. Kaya naman dali-dali siyang pumunta sa bahay ni Ashton. Pinakiusapan niya na tawagan si Radleigh. Pero ng natawagan na nila pinag-mukha pa siyang walang kwenta.
Napabuntong-hininga siya.
"Dapat pala Papa mo na lang tinawagan natin. Yang Fiancee mo kahit kailan talaga,"
Inakbayan siya ng kaibigan.
"Hayaan mo na at buntis. Pero nakakainis pa din, siya lang ang buntis na ayaw sa nakabuntis sakanya,"
"Iba-iba naman kasi ang mood ng babae pre,"
Napabuntong-hininga naman ito.
"Ano pa nga ba. Inaalala ko lang naman siya. Akalain mong nakarating pa ng palawan ng hindi ko nalalaman. Pero gaya nga ng sabi ko wala naman ako magagawa kailangan sundin ang gusto dahil buntis baka kung ank mangyari sa anak namin,"
"Ah kaya pala sunod-sunuran ka?" Aniya at napangisi siya. "Pero ano nga ang tawag sayo kanina? Tito ni Ezra?" Aniya at tumawa na kinasimangot ng kaibigan.
Pagkatapos kasi niyang makausap sj Radleigh na magkasama sila ni Isla silang dalawa na ni Ashton ang nag-usap at narinig niya ang usapan ng mga ito lalo na ng mag-paalam na si Ashton.
'Bye my baby Leigh and baby Ezra,'
'Bye Tito Ashton,'
"Tang-ina naman kasi nagpakahirap akong bumayo tapos tatawagin lang akong Tito ng nabuo ko?!"
Humagalpak na naman siya ng tawa.
"Eh kung ikaw ang Tito? Sino ang ama?" Humalpak na naman ng tawa samantalang ang kaibigan ay hindi na maipinta ang mukha. "Eh bakit daw ba kasi Tito?" Aniya hawak ang tiyang sumakit na kakatawa.
"Haay, ewan ko ba sakanya. Hindi pa daw kami kasal kaya ganoon,"
"Eh madaliin mo na kasi--"
"Paano ko mamadaliin kung yung gown na gusto sa Paris pa manggagaling!" Frustrated nitong sabi.
Natawa na naman siya.
"Tiisin mo total mahal mo naman di ba?" Tukso niya.
"Tandaan mo mararanasan mo din ang ganito,"
"Nag-uumpisa na nga di ba?" Ngisi naman niya. Kinabahan talaga kasi siya ng sobra lalo na ng sabihin ni Janice na hindi nito kasundo ni Isla ang mga kamag-anak ng asawa
"Uh huh, so nahuhulog ka na?" Ngayon siya na ang tinutukso ng kaibigan.
"Not that fast pre, but this is my first time to feel scared like this--"
"Kahit kay Laila?" Putol nito.
And it hits him.
"Y-yeah, not even her," he said and gulp. "I am not in danger right?"
Laki ng ngisi ng kaibigan.
"Aba'y malay. You will discover it soon pre. Sa ngayon like what Kapriel said. Kailangan mong timbangin kung sino ang gusto at mahal mo. Kailangan mo pumili habang maaga pa,"
Hindi niya maintindihan kung paano nakarating sa isla si Radleigh pero pilit na lamang niyang inintindi. Siguro okay na din na may kasama siya.
"So kamusta kayo ni Carl?" Anito habang umiinom siya ng beer. Yes, may dala itong alak at makakain. Pero hindi naman ito pwedeng uminom dahil buntis na ito.
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...