CHAPTER 10

26 2 0
                                    

"May malapit na cafe sa condo ni Carl doon na lang tayo bumili ng breakfast," sabi ni Ashton habang papunta sila kay Isla.

Tumango lang naman siya.

Inihatid muna siya nito sa harap ng condo at sinabi kung anong unit tsaka siya iniwan para bumili ng makakain. Napatingin siya sa paligid at napangisi siya ng makita niya ang pamilyar na bulto ng katawan. Nakatalikod ito sakanya kaya hindi siya napansin. Dumeretso na siya sa front desk.

Hindi nagtagal nasa harap na siya ng unit ni Carl. She press the door bell. Naghintay siya saglit bago inulit. Wala pa din sumasagot. Napakunot-noo siya. Napatingin sa relo. Eight-thirty na at panigurado siyang dapat gising na si Isla dahil kung sabay silang nagluluto ni Carl dapat maaga itong nagigising para maghanda dahil alas nuebe ang pasok ni Carl sa pagkakatanda niya.

"Mmm, maybe napasarap ng tulog dahil wala siyang kasama," aniya sa sarili.

Kinuha niya ang phone at tinawagan ang number nito pero naka apat na tawag na siya wala pa ding sagot. Kinutuban siya ng masama.

He called Mo.

"Damm it! Patulog pa lang ako Rad--"

"Paki tanong sa asong ulol mong agent kung napansin niya bang lumbas si Antheia Isla Amaryllis," seryoso at putol niya kay Mo.

"What–sinong asong ulol–" he heard him chuckled. "Loko ka talaga, okay wait a minute. Nawala ito sa linya.
" According to him hindi pa siya lumalabas simula kahapon ng dumating ito ng mga alas singko, why?"

"Sigurado ba siya? Pwede bang pacheck or hack ang CCTV dito? There is one camera on there floor. Andito kasi kami sa condo nila at kanina pa ako tumatawag at nag doorbell pero walang sumasagot,"

"Damm! Alam mo ba kung anong oras pa lang?!"

"Carl is not home and Isla is alone pinakiusapan kami na dalhan siya ng breakfast. As far as I know Isla is an early person," masungit niyang sabi.

Hindi nakaimik ang kaibigan.

"A-ahm, gaya ng sabi ni Ryan hindi talaga ito lumabas pa simula ng makauwi. Pero looking at her in the CCTV mukhang hindi maganda ang pakiramdam,"

Napailing siya. Gagawin din naman pala nito ang inuutos.

"Okay thanks. Ako na bahala," pinatay na ang tawag para hindi humaba ang usapan.

Bumaba siya ulit para pakiusapan ang front desk na buksan ang condo. Ayaw nila na kinailangan pa niyang gamitin ang pagkapulis niya para lang pagbigyan siya ng mga ito. Saktong dumating si Ashton bitbit ang pinamili.

"What happen baby,"

"Isla is not answering. I have a feeling that something is not right," she said seriously.

"Baby, baka naman napasarap ang tulog. Kung ano-ano na naman iniisip mo, remember your pregnant--"

"I know, hindi naman siguro grabe pero hindi lang maganda ang kutob ko, mas mabuti na ang sigurado tayo. Don't worry wala akong gagawin na kahit ano," at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Napailing at napatango naman ang fiancee niya. Natutuwa siya sa pagiging protective nito lalo na ng nalaman niyang nagdadalang-tao na siya. Alam din naman niya iyon kaya nga nag-iingat din siya kahit papaano at hindi na tumatanggap ng delikadong trabaho. More on paper works na lamang siya.

Ng buksan ng manager ang condo pumasok siya agad at nagmasid kung may kahina-hinala.

"You can stay para hindi niyo kami pag-isipan ng masama,"aniya sa manager.

Alanganin naman itong ngumiti. Hindi na po Chief. Iiwan ko na lamang po ang isa kong staff dito, kapag may kailangan po kayo sakanya niyo na lamang po tanungin at may mga gagawin pa po kasi ako,"

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon