"Anong klase kang ama! Minsan na nga lang akong humiling sayo ganito pa ang mangyayari! Kung alam ko lang na magkakaganito hindi ko na sana pinaubaya sayo ang pag-aalaga kay Aira. Goodness, paano na lang kung may nangyaring masama sa anak ko Carl!" Galit at sigaw sakanya ni Laila. Kadarating lang nito sa hospital.
"Sorry--"
"Damm your sorry! Kung hindi ba naman sana kasi tatanga-tanga yang asawa mo. Ughh! I hate you!" Iritadong sambit nito tsaka siya tinalikuran at pumasok sa kwarto na inuukopa ng anak.
Napabuntong-hininga siya. Hindi naman niya inaasahan na magkakaganito. Sakto namang bumukas ang katapat na pinto ng kwarto ni Aira. Nagulat pa siya ng makitang sina Radleigh at Ashton yun.
"W-were is my wife,"
"Oh may asawa ka pala?!" Radleigh said in sarcastic way.
Tinitigan niya ito ng masama.
"I am asking nicely here--"
"So am I—I am answering properly," seryosong turan nito. "Is that Laila who shouting?"
Tumango lamang siya.
"Akala ko ba nasa ibang bansa,"
"I message him what happen when we got here in the hospital,
Radleigh just hummed.
"So were is my wife,"
"Kung hindi mo pa siguro kami nakita hindi mo tatanungin kung nasaan ang asawa mo," now it's Ashton.
"Ano bang problema niyong dalawa!" Asik niya.
"Ikaw!" Sabay na sagot ng mga ito.
"The heck! Why me! Mahirap bang sagutin ang tanong ko kung nasaan ang asawa ko. Kayo ang may problema ang hirap niyo kausap,"
"Huwag kang umarte na parang nag-aalala ka--"
"Because I am!" Putol niya sa sinasabi ni Ashton. "She's my wife after all!"
"Wow talaga?!" Ashton mocked. "Eh ni hindi mo nga siya tinanong kung okay ba siya? Bigla mo na lamang kinuha ang anak mo at umalis ka bigla. Tapos anong sabi mo? Kami na bahala sa asawa mo,"
"Because Aira must bring to hospital--"
"At si Isla hindi? Pwede mo namang pagsabayin Carl, pwedeng-pwede mong sabihin kay Isla na ikaw na magbubuhat kay Aira at dahan-dahan mo siyang akayin o hawakan sa kamay at sabay kayong pumunta at sumakay sa ambulansya," sambit ulit ni Ashton. "Mahirap bang gawin yun? Oo andoon kami, for sure hindi namin siya pababayaan but the thing is andoon ka! Physically you were there Carl!"
"Pero okay naman siya--"
"Tinanong mo ba!" Galit ng sabi ng kaibigan. "Alam mo bang nanginginig siya ng hawakan ko at akayin, alam mo bang takot na takot ang mukha niya, alam mo bang umiiyak siya, alam mo ba kung gaano siya kalungkot ng makita kang papalayo sakanya at alam mo bang sobra siyang nasaktan sa ginawa mo! Tang-ina mo, nasugatan ang asawa mo at dinugo. Ngayon mo sabihin samin na okay lang siya!"
Nakita na niya kung paano magalit ang kanyang mga kaibigan pero ang galit ni Ashton ngayon ay kakaiba.
Alam niyang takot at umiiyak ang asawa kanina pero hindi siya nakapag-isip ng tama at dahil sa kaba at pag-alala si Aira ang kanyang unang pinagtuunan ng pansin.
"A-andiyan naman kasi k-kayo kaya akala ko ayos lang--"
"Kung sayo nangyari ang ganito at may mas inuna si Isla dahil ang rason eh andito din naman kaming mga kaibigan mo, anong mararamdaman mo ha!"
Hindi siya nakaimik at napayuko. Dahil panigurado makakaramdam siya ng sakit kapag nangyari ang ganun. Napalunok siya.
Rinig niyang napabuntong-hininga ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...