CHAPTER 26

23 3 0
                                    

One week. One damm week na walang paramdam ang asawa. Nababaliw na siya. Hindi na siya nakapagtrabaho ng maayos kakaalala sa kung nasaan na ito at ano na nangyayari. Hindi makakain at kulang na kulang sa tulog.

"Pre stop drinking already,"saway sakanya ni Josh na andito na naman sa kanyang bahay. "Araw-araw ka na lamang ganyan,"

Ngumiti siya ng mapakla at inubos ang alak na laman ng kanyang baso.

"Bakit ganoon Josh. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Oo alam kong gago ako at may mga nagawang hindi maganda pero nangako ako sakanya. Nangako na hindi na yun mangyayari pa dahil mahal ko siya! Sinabi ko na pag-uusapan namin lahat ng problema, pero tang-ina bakit lumayo pa din siya!" Hindi niya namalayan na umiiyak na siya. "It's painful knowing that she just walk out like that. She don't even want to talk to me,"

Narinig niyang napabuntong-hininga ang kaibigan at umupo sa tabi niya.

"Pre, may mga bagay na kapag ang isang babae nasaktan ng paulit-ulit hindi kinakaya--"

"Lalo pa kung hindi lang yun ang prinoproblema niya," napalingon siya sa nagsalita. Si Snow at Radleigh.

"I  am okay,"

Tumawa si Radleigh.

"Yeah we can see that. Kaya nga andito si Josh araw-araw. You are so okay Carl. So fucking okay!" Sarkastik nitong sabi.

"Why you here? May balita na ba?" Tamad na tanong niya. Sa totoo lang kasi pagod na siyang umasa. Nasasaktan kasi siya dahil akala niya ayos sila ng asawa na ano man ang mangyari kailangan nilang pag-usapan lahat.

Napabuntong-hininga si Radleigh at umupo sa tapat na couch.

"Wala pa. Hindi din kasi namin makontak si Janice. According kay Mo nasa Paris daw. Wala bang nabanggit si Isla sayo na pwede niyang puntahan maliban sa mansyon?"

Umiling siya at tumungga ulit.

"You know stop drinking," ani Snow at kinuha ang baso niya.

"Give me that!" Maktol na aniya.

"Stop it Carl. Walang mangyayari kung ganyan. Try to call her baka sakaling sumagot na,"

Pagak siyang tumawa.

"Araw-araw ko ng ginagawa yun. But it will always the same. After it will ring it will divert to answering machine. Nagmamakaawa na nga ako na sagutin man lang niya. Nagpaliwanag na din ako pero wala. Inako ko na lahat ng kasalanan kahit wala naman pero ano? Hindi pa din siya tumatawag. Hindi ko alam kung ako ba ang mali o siya. Dapat pinag-uusapan namin ito hindi yung bigla-bigla siyang lalo. Hindi ba niya alam na nanganganib ang buhay niya!"

"Hindi!" Sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan at natigilan siya.

'Oo nga pala,'

Lalong nalukot ang mukha niya ng mapangisi si Josh.

"Tinatanong mo kung kasalanan mo pre? Hindi ko rin masabi pero kasi kung in the first place hindi ka na nakipagkita pa kay Laila--"

"So? It is her fault not mine. Nakipag-usap na ako sakanya ng maayos, tinapos ko na lahat sa amin!"

"Gaya ng sabi ng baby ko sayo Carl," ani Radleigh. "Nakakagawa ang tao ng hindi maganda kapag nasasaktan. Look at your self. Your a very good example of it. Hindi bat nagselos ka ng makita mo si Ryan dito sa bahay niyo noon na masayang nakikipag-usap kay Isla? Instead na kausapin mo ang asawa mo, what did you do? You went to the bar and talk to women and unfortunately your wife saw you,"

Hindi siya nakaimik.

"D-does it mean my wife is doing wrong now?"pagkwa'y mahinang tanong niya.

Binatukan siya ni Josh.

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon