EPILOGUE

50 6 1
                                    

"Oh bakit anong nangyari jan?" Takang tanong niya ng makapasok sa VIP room sa bar ni Ashton ng makitang lasing na lasing si Josh.

"He saw Tamar," walang kaabog-abog na sagot ni Kapriel.

Tumabi siya kay Ashton at kumuha ng beer.

"Is it real this time," tanong niya.

Lagi kasi itong nagkakamali at palaging nag-iinom sa tuwing hindi tama ang hinala. Yun ang hindi niya maintindihan. Naguguluhan silang lahat sa kaibigan dahil palagi nitong sinasabi na ayaw na nito itong makita pero nakikita naman nilang umaasa pa din ito.

Gaya niya hindi din naging madali ang sinapit ni Josh sa buhay pag-ibig nito. Niloko siya ni Tamar. Iniwan ulit nito si Josh ng walang paalam sa ikalawang pagkakataon.

Ngayon naniniwala na talaga siya doon sa matandang manghuhula noon. Lahat sila ay nahirapan sa kanilang mga buhay pag-ibig. Pero kalaunan naman silang tatlo ay masaya na.

Nalulungkot siya para sa kaibigan pero masaya siya para sa sarili dahil sa wakas naging maayos din ang lahat sakanila ng kanyang asawa. Sa haba ng nilakbay nilang mag-asawa hindi niya namalayan na natapos din sa wakas ang unos sa kanilang buhay at nakakatawa na hindi man lang niya maaalala paano niya nalampasan ito. Pero alam niya na nagawa niya yun dahil na din sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

Alam din niya sa sarili na hindi pa natatapos ang unos, mayroon pa sa mga hinaharap. At alam niya na makakaya niya ulit iyon lampasan. Dahil nasisiguro niya na sa natapos na unos at sa kanyang pinagdanaan, madami siyang natutunan, madaming aral at higit sa lahat nabago siya ng unos na iyon. Binago siya ng mga pagsubok na dumaan sa buhay niya at sa buhay nilang mag-asawa.

Yun naman kasi ang mahalaga, yung malaman mo ang pagkakamali at baguhin ang buhay para sa taong minamahal at para sa sarili. Para kapag dumating man ang panahon na may bagyong darating ulit, handa ka. Mas matibay, hindi basta-basta matitinag at mabubuwal. Mas naging malakas at higit sa lahat mas may paninindigan.

"Fuck this life! Fuck this fucking heart! So many woman out there and yet it only wants her," sigaw nito.

Hindi na niya sana papansinin ang pagsisigaw ni Josh pero nahinto siya sa pag-inom ng beer ng makita niya itong umiiyak.

"A-ano ba talaga ang nangyari?"mahinang tanong niya kay Ashton.

Kinuha nito ang phone at may pinakita sakanyang article ng isang pahayagan.

Russel Cruz, the eldest son of Mr. Danny Cruz, CEO of Quartz Mining Corporation is set to tie a knot to Ms. Tamina Amber Lance, the youngest daughter of Mr. Raul Lance, share holder of Empire Island and owner of Lance Beach resort in Batangas. They have been engaged for nearly two years now and was about to get marry last year but it was postponed. Both family never say the reason but there is speculations that Ms. Tamina went missing. Though, this rumours were actually denied by Mr. Lance family and said she is just in other country attending some business school. Regardless if this true or not, both Mr. Russel and Ms. Tamina will now have a happy ever after next month.

Attached were photo of a woman who is all smile and very pretty on her casual dress and beside her is a man who is all smile also.

"So what about it?" He ask frowning. "Naiingit ba siya? O nag-iba na ang preference niya at itong lalaki na ito na ang gusto niya?"

Tinignan siya ng masama nina Ashton at Kapriel.

"That's Miss Tagalog," Ashton said.

"W-what?!" He react. Look again at the photo.

'Paanong siya ito?'

Ashton calls her Miss Tagalog because when they first met her she can't understand english. As far as he can remember, Miss Tagalog or Tamar the real name got super kinky curly, bushy black hair, always wearing baggy clothes and wore a big eye glasses.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon