Hindi galit ang boses at pati ang mukha ng asawa pero wala ang maamo at masayang mukha nito sa tuwing makikita siya. Mayroong hindi tama. Pero ano? Hindi bat dapat siya ang magalit dahil may kasama itong iba na maliban sakanya? Pero kahit ganoon hindi niya magawang magalit dahil sa pakikitungo ng asawa sakanya mas lamang ang kinakabahan siya sa di malamang kadahilanan.
Napalunok siya.
Bumaling ito kay Ryan at nakangiting nagpaalam. Tinawag siya ng kaibigan pero hindi na niya pinag-aksayahan pa ng panahon na tignan o sagutin ito. Nakatunghay lang siya sa asawa na nakatayo sa harapan niya habang kumakaway sa papaalis na sasakayan ng kaibigan.
"Pasensya na ginabi ako ng uwi," malamig pa sa yelong sabi nito at nilampasan siya tsaka naunang pumasok sa loob. Sumunod siya.
'Something is really wrong!'
"Love bakit kayo--"
Tumigil ito sa paglalakad.
"Nagdinner ka na," tanong nito na hindi man lang siya nililingon.
"H-hindi pa--"
"Go and change I will just prepare dinner," at umalis na ito patungong kusina.
Susundan niya sana ito pero napabuntong-hinanga na lamang siyang sumunod sinabi ng asawa. Alam niyang galit ito. Siguro dahil sa paghihintay sakanya ng matagal kanina at sa naudlot na lunch nila. Nagmadali na lamang siya para tulungan ito sa paghahanda.
Pagkababa niya nasamyo niya ang pamilyar na amoy ng paborito niyang ulam. Sinigang. Napangiti siya.
Lumapit siya sa asawa na nakatalikod kasalukuyang tinitimplahan ang niluluto. Yumakap siya sa baywang nito.
"Mmm, that's smell great. For sure it taste the best," aniya at hinalikan ito sa pisngi.
"Mmmm. Malapit na to. Nagugutom ka na ba?"
Umiling siya sabay lagay ng baba niya sa balikat nito.
"L-love,"
"Mmmm,"
"S-sorry--"
"It's ready. Wait maghahain lang ako," umalis ito sa pagkakayap niya at napabuntong-hininga siya. Sinikap na lamang niyang tumulong sa paghahanda sa mesa.
Habang sila ay kumakain kakaumpisa pa lang niyang humingi ng paumanhin ay iibahin na nito ang usapan. Kaya naisip niyang baka ayaw pag-usapan ng asawa ang nangyari kaya hinayaan na lamang niya at patuloy na lamang siyang nagkwento sa kung ano nangyari sakanya sa buong maghapon dahil yun ang tinatanong nito bagamat wala iyong ka emo-emosyon habang nagtatanong.
Mabilis din itong natapos kumain na ngayon lamang nangyari.
"Just leave it all there. I will just take a shower then I will come back to do the dishes,"
"H-hindi na Love ako na, take your time," nakangiting anya pero tumango lang ito at tumalikod na.
Laglag ang balikat niyang tinignan ang pagkain. Hindi naman ganito ang asawa. Lagi silang masaya habang kumakain at kahit sa paghuhugas sila pa din ang gagawa. Sinisisi niya ngayon ang sobrang busy kanina kaya nawala sa isipan ang usapan nilang mag-asawa. Pero hindi lang naman yun ang nangyari kanina.
Napabuntong hininga siya.
'This is my fault'
Nawalan na siya ng gana pero sayang naman kung hindi niya uubusin ang nasa plato niya. Pinaghirapan iyon ng kanyang asawa. Kung kayat pinilit niya ang sariling ubusin ito at pagkatapos naghugas at naglinis sa kusina bago umakyat. Kailangan niyang kausapin ang asawa. Hindi pwedeng ganito pa din sila bukas. Hindi niya kakayanin.
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...