CHAPTER 16

32 2 5
                                    

"Love please tell me hindi totoo lahat ng mga sinabi mo sa restaurant," pangungulit pa din ni Laila sakanya.

Pilit niya itong iniiwasan pero dikit pa din ng dikit. Sumama pa nga ito sa kanyang condo. Bumalik siya para kunin ang ilang mahahalagang files na kailangan niya dahil madami na ang nasayang na oras niya at siya ay dapat ng pumunta sa site para tignan ang sinasabi ng kasamahan doon. Pero ang laki ng problema niya dahil lang sa pakikipag-usap kay Laila.

Napahilamos siya ng mukha.

"Laila," seryoso niyang hinarap ito. "Lahat ng sinabi ko sayo doon ay totoo. I am married that's why I need to end our relationship--"

"Pero akala ko ba ako lang? I thought you love me? You gonna wait for me--"

"Yes I am. Before. Hinintay kita. Pero pinayagan kita noong umalis para makamit mo ang pangarap mo hindi para kalimutan mo ako," sumbat niya.

"But I did not--"

"Talaga?" Putol niya ulit dito. "Ni hindi ka nga tumatawag. Email, chats, fax. Lahat ng yun wala kang sinagot anim na buwan simula ng makarating ka doon. Andoon na din ako sa punto na gusto na kitang sundan pero napag-isip-isip ko your there for your dreams and my dreams is here. At dumating din ako sa point na inisip kung tayo talaga para sa isa't-isa ay tayo talaga kahit pa ilang taon ang lumipas,"

"Naman pala. Then it will. Andito na ako. I am done on my dreams. Damm it!"

Napangisi siya ng nakakaloko.

"Pero iba na ang sitwasyon Laila--"

"Paanong iba. Noong dumating ako you are still the same Carl that I left way back years ago!"

"Dahil lito pa din ako ng mga panahon na iyon. But I realised my feeling for you is not like the same as before. I don't even miss you. When I saw you at our office I even thought why you still come back, you should just stay in the U.S--"

"How dare you!" Malakas na sampal ang nakapagpatigil sakanya. "All those years Carl it's just you. I am just fulfilling my dreams. I thought you gonna support me all the way. Pero ano itong ginawa mo. Fuck you!"

"See that. Madami na nagbago sayo. You are not the same sweet Laila I know. You never shout at people even how harsh they are towards you. Hindi na ikaw ang Laila na nakilala ko,"

"Years past Carl. People change--"

"Yeah I will agree on that and same applied on me. I change same with my feelings. I am sorry Laila. I know it will be hard for you and me but let's don't force ourselves to be together. We just accept that we are not for each other--"

Isang malakas na sampal na naman ang natanggal niya sa dalaga na ngayon ay umiiyak na.

"I hate you!"

"Sorry," mahinang sabi niya dahil kahit papaano naawa pa din naman siya dito. Pero ano magagawa niya kung iba na ang gusto niya? "Please, I don't want our break up to be like this--"

Napatawa ang dalaga.

"At ano ang gusto mo? Ang patawarin kita at tanggapin na lamang ang desisyon mo,"

"Yes Laila. That will be best for us,"

"No Carl. Akin ka lang at walang ibang makikinabang sayo kundi ako lamang! Kung hindi ka lang din magiging akin, then, wala ni isa man ang magmamay-ari sayo! Babalik ka din sa akin Carl. Tandaan mo yan!"

Pagkatapos ay tinalukuran na siya at galit na lumabas ng condo.

Napabuga siya ng hangin at napaupo sa couch. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang reaksyon ni Laila. Akala niya magiging madali pero nagkamali pala siya.

III.HIS FORTUITOUS WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon