"Pre, tama na," rinig niyang awat ng kaibigan sakanya.
Hindi siya nakinig at patuloy sa pag-inom.
"Carl, naiintindihan namin na nagluluksa ka at wala ang asawa mo pero pre naman, araw-araw ka na lamang ba ganito?"
Hindi siya umimik at patuloy lamang sa pag-inom. Limang buwan ang lumipas pagkatapos ng masakit at mapait na nangyari umiinom siya palagi, sa umaga kapag nawala ang tama ng alak sa kanyang katawan binibisita niya ang puntod ng kanyang anak. Walang mintis, naglilinis siya doon pagkatapos ay naglalagay palagi ng fresh na bulaklak,nagsisindi ng kandila at nagdadala ng iba't-ibang baby foods. Masaya niya itong kinakausap at hindi pa din maiiwasan na napapaiyak pa din siya. Pagkatapos niya bisitahin ang anak, uuwi at iinom hanggang sa makatulog siya sa kalasingan. Ganun umikot ang kanyang buhay.
"Bakit may mababago ba kung hindi ako iinom? Maibabalik ba ang dati kapag hindi ako ganito? Mabubuhay ba ang anak ko? Babalik ba ang asawa ko?!" Sigaw niya.
"Hindi na maibabalik at mababago na wala na ang anak mo pero ang pagbalik ng asawa mo pwede,"napalingon siya at nakitang si Radleigh ang nagsalita.
Tumawa siya ng nakakaloko at tumungga ulit ng alak.
"I don't need you here," aniya.
"Neither do I," ganting sagot nito. "Maayos ang pagkakasabi at pagpapaliwanag ko sayo noon na magbago ka at pag-isipan mo lahat ng gagawin mo. Pero ano itong ginagawa mo?"
Nabitin ang pag-tungga niya sa sinabi nito at dahan-dahan naibaba ang baso.
"The first few weeks that you are drinking and look like shit is fine for me—for all of us. We understand that your down and mourning. We feel your pain, sadness and longing. We let you do what you want. It's fine for us that our husband be with you to drink and accompany you. But six months past Carl! Do you want to die?!"
"Oo," sigaw niya. "Ano pa silbi ng buhay ko? Wala akong kwenta. Walang kwentang ama, asawa at tao! Nobody deserve a man like me,"
"How about Isla?" Ani Josh.
Natigilan ka.
"Paano kung ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para paghilumin ang sugat na dulot ng trahedya na yun?"dagdag pa nito.
Hindi siya nakasagot. Narinig niyang napabuntong hininga ang kaibigan.
"Your are so selfish Carl. Ayaw na sana kitang kausapin at hayaan na lamang sa kung ano ang gusto mo gawin sa buhay mo. Pero ang sabi ko sayo noon ayusin mo ang sarili mo, hindi sirain. Masaya ako nakikita na inaalagaan at binibisita mo ang puntod ni Aqua pero yang ganyang ginagawa mo Carl pag-inom gabi-gabi hindi na maganda! Sarili mo na lang ang iniisip mo. Paano ang asawa mo?!"
Napayuko siya.
"I know you are in pain pero si Isla hindi ba?! Ni hindi mo alam kung nakakatulog pa ba ng maayos o umiiyak ba--"
"How would I know kung ayaw mo ipakita at ipakausap sakin," malumanay na naisatinig niya.
"You know my reason. Paano kita ipapakausap kung sarili mo nga hindi mo maayos. Tumingin ka ba sa sarili mo salamin? Hindi ka na nahiya sa anak mo na ganyan ang itsura mo sa tuwing dadalawin mo! Carl wake up! Hindi habang buhay andito kami para paliwanagan ka lagi. Ganito na naman ulit. Papaliwanagan ka bago ka magkusa!"
Biglang nawala ang tama ng alak sa katawan niya dahil sa sinabi nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Lumapit ito sa sakanya at may hinagis na papel sa harapan niya. Kinuha niya ito at tinignan.
"It's Isla's number," Radleigh said before he can ask question.
Bigla bumugso ang galit sa kanyang didbdib.
BINABASA MO ANG
III.HIS FORTUITOUS WIFE
RomanceAntheia Isla Amaryllis. Flexible, adventurous, outgoing, energetic, independent, compassionate and a very kind woman. She inted to live her life to the fullest without having someone to stick to her or having a relationship with men. She is 26 and s...