Chapter One - The News

46.6K 551 8
                                    

Napaupo si Jane sa isang mahabang upuan. Nasa labas na siya ng emergency room. Sinugod nila ang kanyang lolo sa ospital. Bigla lang kasi itong nagsisigaw dahil masakit umano ang kaliwang braso.

She sighed. Hindi siya makapaniwalang wala na ang lolo niya. Wala na ang pinakamamahal niyang abuelo. Hindi niya namamalayang tumutulo na ang kanyang luha. Sa una, dahan-dahan lang iyon sa kanyang pisngi. 'Di nagtagal ay unti-unti na iyong dumadami. Hanggang sa hindi na siya nakapagpigil pa. Napahagulhol na siya.

"Lolo! Lolo ko! Lolo koooooooooooo!" Sigaw niya.

"Hija, trust me. Hindi ko ito ginawa para lang sa pagkakaibigan namin ni Faustino. Alam ko na makakabuti ang pamilya niya sa iyo at sa atin. Hindi na mahihirapan pa ang mga magulang mo sa pagtatrabaho. Sila na ang bahala sa lahat. Tanggapin mo ang pamilyang Santiago. Mahalin mo sila. Mahalin mo rin ang magiging asawa mo."

"Lolo naman 'eh!" Reklamo niya.

Noong isang linggo pa kasi nito binabanggit ang tungkol sa kasal 'raw' niya. Hindi naman niya sineseryoso ito dahil alam niyang matanda na ang lolo niya at may pagka-ulyanin. Maraming beses na rin itong nakakalimot at nagsasalita ito ng mga bagay na hindi nila maiintindihan. Isa na sa mga bagay na iyon ang kasal niya.

"Hija, sige na. Ito lang ang huli kong kahilingan sa iyo. Sige ka, pag hindi ka pumayag, mumultuhin talaga kita."

Napangiti siya. "Alam mo naman na takot ako sa multo. Pero sige, payag na ako kung iyon ang ikakasaya mo." Aniya bago hinalikan ito sa noo.

"Salamat, hija, balang araw maiintindihan mo rin ako." Anito bago pumikit.

"Doc! Bumababa na ang blood pressure po." Sigaw ng nurse.

Natigilan siya. "Lolo! Gising po!" Niyugyog niya ito.

"Miss, sa labas ka muna." Utos ng doktor sa kanya.

"Iligtas niyo po siya doc! Please po."

Hindi na niya narinig ang sagot ng doktor dahil tumabing na ang kurtina sa kanyang harapan. Ilang ingay pa ang narinig niya mula sa mga ito ang umalingawngaw sa buong emergency room bago nagsalita ang doktor. "Time of death, 2:45 am."

"Papaaaaaaa!" Sigaw ng mama niya.

Umiiling siya bago naglakad palabas ng emergency room. "Lolo ko..."

"Lolo ko!" Napabalikwas ng bangon si Jane. Napatingin siya sa kanyang paligid. Nakatulog pala siya simula nang makabalik sila galing sa libing ng lolo niya kanina.

"Jane, Jane, Jane!" Sigaw ng Ate Janine niya.

"Ano naman ba, ate? Ba't ka sumisigaw?"Walang ganang tanong niya,

"Ayusin mo sarili mo. May bisita tayo sa baba." Sabi nito at naghalungkat sa cabinet niya.

"Bisita lang naman ate ba't kailangan pa magbihis?" Reklamo niya at hinubad ang itim na blouse niya. Sinuot naman niya ang puting bestida na hinagis nga ate niya sa kanya.

"Basta, iyan ang sabi ni nanay. Dapat magmukhang tao ka. Sige na. Ayusin mo ang buhok mo." Anito at lumabas na ng kuwarto niya.

"I'm sorry po kung medyo natagalan. Juice po muna kayo."

Iyon ang narinig niya mula sa mama niya. "Ma, sino po ba ang bisita?" Tanong niya nang nasa gitna na siya ng hagdanan. Namilog ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakaupo sa kaliwang upuan sa sala nila.

Ryan? Ryan Louis Santiago?

"Jane! Ang tagal mo naman! Ito pala si Mr. Faustino Santiago, kaibigan ng lolo mo. At si Ryan, ang mapapangasawa mo." Nakangiting sabi ng mama niya.

ANO RAW????

ASAWA??????


MAPAPANGASAWA?????

SI RYAN? SI RYAAAAAAAAAAAAN?????

HINDI LANG NAG-UULYANI SI LOLO????? TOTOO BA 'TO?????

DIYOS KO POOOOOOOOOOOOOO!

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon