Granville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas.
Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago.
"Brace youself, Janey!" Aniya at bumaba na ng kotse. This is it! This is the day of her final judgment!
Unang beses siyang pumasok doon mula nang malaman ng buong Granville University at ng buong Pilipinas ang pagpapakasal nila ni Ryan. Hindi na kasi siya nakapasok mula noong second week ng summer classes nila. Una, namatay ang lolo niya at pangalawa, yung kasal niya. Hindi kasi siya pinayagan ni Mommy Anna na pumasok pa. Kailangan daw nilang paghandaan ng mabuti ang wedding. Isang buwan lang kasi ang gagawing preparasyon. Napag-usapan ng pamilya nila na mas maaga, mas maigi.
Napakamot siya sa ulo. Na-missed tuloy niya ang summer subjects niya. Nag-advance kasi siya para mas magaan ang subjects niya this semester. Puro mga major na kasi at karamihan pa ng mga professors niya terror.
"Hi Mrs. Ryan Louis Santiago," sabi ni Stacey ng makalapit sa kanya,
Inirapan niya ito. "Nandito ka ba para asarin ako?" Tanong niya.
"No, no, no," anito at tiningnan ang bagong kotse niya. "Wow! A Mini!
Asensado ka na talaga ha? Asan na si Sofia mo?" Tanong nito.
Pinilit kasi siya ng mama niya na gamitin ang bago niyang sasakyan. Kinuha pa nito ang susi ng dati niyang kotse. Sofia is a pink Kia Picanto. Dating kotse iyon ng Ate Janine niya. Noong grumaduate ang Ate niya ng Dentistry at nakapagtrabaho ay bumili ito ng bagong sasakyan. Silver ang dating kulay niyon, pinalitan niya lang ng pink.
"Ayun, kinuha ni mama ang susi para magamit ko itong bigay ng mga Santiago," sagot niya.
"Janey! Wow, nice car." Sigaw naman ni Sammy. Kasama nito si Aimy na nakangiti lang.
"Ugh, wag niyo ngang painitin ang ulo ko." Sabi niya at tinalikuran ang mga ito.
"Ikaw naman, naglilihi ka ba?" Tanong ni Aimy.
"Pwede ba? Alam niyo naman na hindi totoo ang nasa article na iyon." Naiinis niyang sabi. Dahil kasi sa bilis ng pagpapakasal nila ay may bulung-bulungan na baka daw nabuntis siya ni Ryan. Nalagay pa nga iyon sa isang article. Sinagot naman na iyon ni Mommy Anna kaya unti-unting nawawala rin.
Aimy chuckled. "Oo nga. Teka, kelan ka nga pala lilipat sa condo ninyo ni Ryan?" Tanong nito.
"This weekend. Hindi pa nga ako nakakapaghanda." Nakangusong sabi niya.
Hiniling kasi niya na doon muna siya sa pamilya niya after the wedding. Mami-miss kasi niya ang mga ito dahil siyempre, kasal na siya at minsan na lamang siya makakauwi sa bahay nila. Pumayag naman ang mga Santiago. Pinilit din ni Ryan na sa sembreak na nila gagamitin ang wedding gift nila. Honeymoon package iyon sa Korea. Aayusin pa kasi nila ang Visa nila.
"Tulungan ka na namin. Sige na, para naman makapunta kami sa love sanctuary ninyo!" Sabi naman ni Stacey.
"Oo nga," Sang-ayon naman ng dalawa.
"Sige na nga," sabi niya. "Pasok na ako ha? Alam niyo naman, full load ako this sem." Aniya at tinalikuran na ang mga ito.
*This is the part where I'm saying I don't want ya na na na
Madaling nakuha ni Jane sa bulsa ang cellphone niya. Cute no? Favorite niya kasi si Ariana.
Napakunot-noo siya nang unregistered number iyon. "Hello?" Sagot niya.
"Save my number," anang nasa kabilang linya at pinutol agad iyon.
Argh! Sino ba kasi iyon? Save my number? Ayoko nga! Inis niyang sabi sa isip at mabilis nang tinahak ang daan papunta sa room niya.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...