Chapter Twenty Six - Falling Into A Nightmare

13.9K 225 6
                                    

Biglang napabangon si Jane. Napanag-inipan naman niya ang masasayang alaala nila ni Ryan. Gabi-gabi na lang ay ito parati ang laman ng bawat panag-inip niya.


Bumangon siya at pumunta sa connected room kung saan natutulog si Kaleb. Nilapitan niya ito at umupo siya sa bakanteng space ng kama nito.


"Thank you for coming into my life, Kaleb. Ikaw lang siguro ang tama sa lahat ng nagawa ko." Mahinang sabi niya habang hinahaplos ang mapupulang pisngi nito.


Nang umuwi sila galing sa Korea ay nalaman nilang na-aksidentente pala si Natalie. Nawala ang lahat ng mga alaala nito at si Ryan lang ang tangi nitong nakilala.


Ryan was hesitant at first nang pakiusapan ito ng ina ni Natalie na si Natasha na puntahan ito sa ospital. Kailangan daw ito ni Nat.


Hindi naman siya nagdalawang isip dahil kahit hindi maganda ang pagkikita nila noon sa Palawan ay kailanman hindi siya maghahangad ng masama para dito. She pushed Ryan and even prayed for her.


Pero nagbago ang lahat ng makalabas ito ng ospital. She demanded for Ryan to stay with her. Na kailangan sa lahat ay andun si Ryan para dito. Hiniling nga nito na doon na lang sa bahay ng pamilya ito matulog.


"Di ba ikaw ang gusto nito? Pinilit mo nga ako di ba na puntahan siya sa ospital? Tapos ano ngayon? Ayaw mo na? Hinaharangan mo na ako? Ito ang gusto mo di ba? Ito ang gusto mo kaya magtiis ka!" Sabi nito at kumuha ng malaking maleta.


Tumulo ang mga luha niya at sinundan ito sa loob ng kanilang walk-in closet. "Sinabi ko lang iyon noon para naman matulungan natin siya na gumaling. Hindi ko naman alam na ganito pala ang kalalabasan ng pagtulong ko sa kanya." Sabi niya dito.


"Shut up! You don't need me here anymore! Dun ka nalang sa Matt na iyon!" Singhal nito at tinulak pa siya.


Nagulat naman siya sa sinabi nito. Kailan pa ito nagseselos kay Kuya Matt? At bakit naman ito magseselos? Wala naman silang ginagawa ni Kuya Matt na masama.


"Matt? Bakit mo naman sinasali si Kuya Matt dito? Wala siyang kinalaman sa problema natin!"


Galit na bumaling ito sa kanya at kinuha ang maliit na envelope sa bag nito. Binagsak nito iyon sa harapan niya at kumalat sa sahig ang mga 4R size na mga pictures. Lumuhod siya para tingnan iyon ng mabuti. Nanigas siya nang makita iyon ng malapitan.


Naalala niya ang lahat ng iyon. Nasa labas siya ng GU para maghintay kay Ryan. Sabi kasi nito ay susunduin siya nito ng 6pm at sabay na silang magdi-dinner. Andun na siya ng alas singko pa lamang. Pero tatlong oras na ang lumipas at dalawang oras nang lampas ito sa oras na pinag-usapan nila ay hindi pa rin ito dumadating. Hindi naman niya ito matawagan dahil 'cannot be reached' ito. Hindi rin ito nagri-reply sa mga text niya.



Nagulat siya nang makitang may kuha iyon na nakatalikod siya at para silang naghahalikan ni Kuya Matt. May isa din na yakap siya nito. Inalala niya lahat nang naganap nang gabing iyon.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon