Mommy Anna's POV
"Nakita ko pong pumasok sa unit ni Margaux si Natalie. Madalas po siya doon at sabi ng mga residente ay palaging nagtatalo ang dalawa. Noong isang araw po ay nakita ko si Natalie na pumasok sa condo at wala pang isang oras ay lumabas ito. Umiiyak at humagulhol habang hawak ang tiyan." Simula ng private investigator.
"Nakuha mo ba iyong records ni Natalie sa hospital?" Kinakabahang tanong niya. Umaasa siya na sana ay pineke nito ang pagbubuntis nito para makuha lang ang anak niya.
Tumango naman ito at inilabas ang isang brown envelope at inabot sa kanya. Agad naman niyang kinuha iyon.
Her hands were trembling. Dahan-dahan niyang binuksan at binasa ang papel na nasa loob.
"So, she's really pregnant," Mahinang sabi niya.
"Opo. Regular po ang check-up niya sa doktor. Infact, andun po siya kahapon." Anang imbestigador.
"Nagpa-check up siya kahapon?" Aniya at tiningnan muli ang huling date na nakasulat sa hawak niyang papel.
"But she just went to the hospital two days ago." Sabi niya at tumingin muli dito.
"That's right, Ma'am. She went to the doctor's clinic yesterday with a man,"
Namilog ang mga mata niya. "Sino?"
Pero bago pa ito nakasagot ay may kumatok sa pinto. Nag-excuse siya sandali at agad na tumungo sa pintuan. Binuksan niya iyon.
"Mommy Anna," Bungad ni Jane sa kanya. Niyakap niya ito.
"How are you darling?" Tanong niya.
"I'm doing good. Ikaw po?" Tanong nito bago tinapunan ng tingin si Carlo, ang private investigator niya.
"Well, I'm fine. By the way, I'd like you to meet Carlo, my private investigator. Siya yung inutusan ko para tingnan ang kilos nina Natalie at Margaux." Pakilala niya sa dalawa.
Tumayo naman si Carlo at nakipagkamay kay Jane.
"It's nice to meet you, Ms. Jane." Anito.
Tumango si Jane. "Ako rin."
"So, let's get seated and continue where we left," Aniya at nagpatiunang maupo. Tumabi naman sa kanya si Jane.
"Natalie was with a man and his name is Robert Zalderiaga." Sabi nito at inilabas ang larawan at isang papel kung saan nakasulat ang profile nito.
"Zalderiaga? Is he one of the famous Zalderiaga family in Batangas?" Tanong niya.
"Tama po kayo, Ma'am. Mr. Zalderiaga is the son of Mr. Romulo Zalderiaga of Hacienda Carmelita." Sagot ni Carlo.
"Mommy Anna, ito! Siya yung nakita kong kasama ni Natalie kanina sa mall!" Biglang sabi naman ni Jane at agad na binitawan ang larawan. Inilabas nito ang cellphone at ipinakita sa kanila ang larawan ni Kaleb. Sa background ay makikita si Natalie na kahalikan si Robert.
"My goodness! Sabi ko na nga ba at may tinatago talaga yang babaeng yan! Paano mo nakuha ito?" Nanggagalaiti na siya sa galit.
"Nagkita kami ng isang Highschool friend ko sa mall. Kasama niya yung anak niya. He asked me if I could stay for a cup of coffee. Nagkasundo rin naman agad si Kaleb at ang anak ng friend ko. We decided to go sa Krispy Kreme. Kaleb saw that mascot pero hindi sa mascot ako nakatingin. Natalie and the man caught my attention. At nung nagpakuha ng picture si Kaleb sa mascot, I grab the opportunity as well. I also got that," Paliwanag niya.
"This is good, hija. Hindi mo pa nagagawang kaibiganin si Natalie pero may nakuha ka na agad na evidence. This is a good lead. I want you to stay put. After we prepare everything, I'm sure we will win this."
A/N: This is just a short update. I will finish this story as soon as I can. Sembreak na po at marami po akong mga story na gustong simulan hahaha I want to finish this real fast.
Abangan niyo po ang next story ko. It will be hot and steamy so, please support it. :) Thanks po.
NoisyPizza
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
Storie d'amoreGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...