"Oy, Janey! Ang ganda naman ng bahay ninyo! Sosyal! Puro automatic." Nakangiting sabi ni Stacey sa kanya habang pipindot ang remote control. Binuksan nito ang blinds ng wall to wall glass window ng kwarto niya.
"Pero Janey, nasaan pala ang asawa mo?" Tanong naman ni Sammy.
Nagkibit-balikat siya. Hindi kasi siya nakapagtext dito kanina bago siya pumunta doon dahil nawala iyon sa isip niya.
"Ba't hindi mo alam?" - Aimy
"Nakalimutan ko kasing i-text siya kanina 'eh." Sagot niya.
"Nakalimutan mo? Alam mo, daat puntahan mo. Para naman alam niya na andito ka na. Respeto naman Janey!" Sabi ni Stacey at hinila siya palabas.
"Mamaya na lang. Kita niyo naman oh, ang dami pa kailangan i-arrange sa mga gamit ko." Sabi niya.
"Reasons Janey Reasons! Kaya naman namin ito. Hindi mo naman kailangan magtagal. Ipapaalam mo lang naman sa kanya na andito ka na. Kaya hala! Labas na!" Ani Aimy sa kanya at itinulak na nga siya palabas ng kwarto. Napakamot na lang siya sa ulo habang tinatahak ang daan papunta sa kusina.
Sa laki pa naman ng penthouse na iyon, hindi niya kayang iisa-isahin ang sampung kwarto doon 'no! Tatanungin na lang niya kay Manang Sylvia.
"Manang, nakita niyo po ba si Ryan?" Tanong niya nang makita ito.
"Naku, hija. Mukhang tulog pa. Inumaga na iyon kanina ng uwi. Galing sa party ng isang kasama nila sa varsity. Birthday 'ata." Anito sa kanya.
Manang, dalhan niyo po ako ng smoothie at paracetamol. Ang sakit po kasi ng ulo ko 'eh. Salamat po.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...