Ryan's POV
Nai-excite na si Ryan habang hinihintay ang pagpasok ni Jane sa kanyang kuwarto. Hindi lang dahil makikita niya uli ang mukha nito kundi pati na rin sa binubuo niyang plano.
Napangiti siya sa naisip niya kanina. Sinabi niya kay Manang Sylvia ang plano niyang ma-trap sila ni Jane sa kuwarto niya. Ewan ba niya kung bakit ganun na lang ang pagkatuwa niya sa tuwing nasa awkward na sitwasyon si Jane. Natatawa kasi siya sa tuwing nakikita niya itong nininerbyos at hindi alam kung ano ang gagawin.
Sinira niya kanina ang lock ng kanyang pintuan. Hinayaan niya lang itong nakabukas. Panalangin na lang niya na sana isira nito ang pintuan niya.
Nakita niya kanina na nakasuot na lang ito ng pajama sa kusina kaya hindi nito dala ang cellphone nito. Sinadya rin niyang iwan sa locker room ang laptop niya at ang charger ng cellphone niya. Isang oras siyang naglaro sa cellphone niya para ma-lowbat iyon at hindi na pwedeng gamitin para pantawag. Kinuha rin niya ang battery ng intercom niya.
"Ryan! Akin na iyong sinasabi mo. Bilis! May gagawin pa ako." Sigaw nito bago pumasok sa kwarto niya.
Please isara mo ang pinto Jane!
*Click*
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...