Chapter Thirty Six - Natalie's Secret

12.6K 182 1
                                    


Natalie's POV


Napa-igik siya ng binato ni Margaux ang wine glass na hawak nito malapit sa paanan niya.


"Ano bang problema mo?!?" Sigaw niya dito.


Lumapit ito sa kanya at dinikit nito ang hintuturo sa noo niya.


"You! You are my problem, Natalie! Ikaw ang problema ko! Akala ko ba ginagawa mo na ang plano natin? Bakit wala pa ring resulta sa ngayon?" Galit na sabi nito.


Napapikit siya. "Why can't you just leave it to me? Trust me, by the end of this week, magagawa ko na ang plano natin!" Sagot niya dito.


Tumawa naman ito. "Talaga? Trust you and leave it all to you? Halos anim na taon na nating plano 'to! Pero wala kang ginagawa. Ngayon, it's the best time, hindi mo pa rin nagawa." Sabi nito at tinalikuran siya.


"Magagawa ko na. Annulled na sila di ba? Andali na lang iyan." Aniya at umupo sa sofa. Kumuha siya ng magazine.


"Annuled na nga sila pero naunahan ka pa rin ni Jane sa pagka-buntis." Sabi nito.


Napatingin naman siya bigla kay Margaux. Tumawa ito bago siya tiningnan. Nakapagsalin na ito ng red wine sa isang wine glass.


"Yes, Jane got pregnant. That's why umalis siya papunta sa US. Ngayon lang nalaman ni Ryan." Sabi nito.


"How did you know that?" Tanong niya.


"I got it from Marc," Sagot nito.


Tumawa siya. "So, ginagamit mo pa rin siya hanggang ngayon?" 


Tumango naman ito. Marc is one of Anna Montenegro's Bodyguard. Matagal na itong ka-relasyon ni Margaux. Este, ka-sex pala. Ginagawa lahat ni Marc ang lahat para dito at ang kapalit lang ay pera at ma-ikama ito.


"Hindi kasi malaki ang hinihingi niya at kaya ko naman siya sa kama. He has the biggest thing, you know," Anito.


Magsasalita sana siya nang may mag-text sa kanya.


Robert

Hi Babe! See you tonight?


Napangiti siya nang mabasa ang text nito. 


To Robert:

Okay, darling. At your place tonight 

Sagot niya dito.


"Sino yan?" Tanong ni Margaux. Nagsasalita kasi ito pero hindi niya maintindihan. Busy siya sa pagri-reply dito.


"Wala. Si mommy lang. Nagpapadala ng strawberry jam pag uwi ko," Sagot niya.


Nanginginig ang mga kamay na binalik niya ang cellphone sa bag niya. 


Yes, she has been dating Robert for months now. Noong mga panahong hindi na sila gaanong nagkikita ni Ryan. She must admit, she really think that Ryan truly loved Jane.  Napatunayan nito iyon ng paulit-ulit niya itong niyaya sa bahay niya. But Ryan would decline her offer. Even though hindi niya gusto si Jane dahil matindi ang galit at pagseselos niya years ago, she also wished Ryan would love her again. She wished that someone would love her the way Ryan loved Jane.


At nung dumating si Robert sa buhay niya, biglang nagkaroon ng katuparan ang lahat ng mga hiling niya. Pero para hindi malaman ni Margaux ang tungkol sa relasyon niya kay Robert, she asked Robert to hide their relationship. She just told him, bawal sa modelling career niya ang pakikipag-relasyon.


"Nat? Are you still listening to me?" 


Bigla siyang papapitlag sa sinabi ni Margaux. "Yes, I am." Sabi niya.


Umiling-iling ito. "I doubt it. Umalis ka na lang para umayos iyang pag-iisip mo. Parati ka na lang lutang tuwing kausap kita. Ngumingiti ka lang kapag may nagtext sa'yo. Siguraduhin mo lang na sinusunod mo pa rin ang plano natin, Natalie. At kapag nalaman ko na may-iba kang plano, alam mo na siguro kung ano ang pwedeng magawa ko. And I'll make sure, you won't like it," 


Tumango na lang siya at tumayo. Tahimik siyang lumabas sa condo unit nito. 

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon