The next day, they tour around the city with bus. Mas sweet kasi yun dahil yan yung napapanpood niya sa mga paborito niyang koreanovelas.
Pumunta sila sa Gangnam at naglibot dun. Marami ding mga shops dun at namili sila para ipasalubong sa mga kaibigan at pamilya sa Pilipinas.
Iyon kasi daw ang 'shopping center' ng mga mayayaman sa Korea.
"Ano'ng gusto mong bilhin kay papa?" Tanong nito sa kanya.
"Hmmm..." Nag-isip muna siya at inilibot ang paningin sa mga stores na nasa paligid nila.
"Ah! Shoes!" Sabi niya sabay turo sa isang Nike store.
"Meron namang Nike Store sa Pilipinas." Sabi nito. Tinaasan naman niya ito ng kilay.
"Iba pa rin kapag dito tayo namili." Aniya at nagpatiuna nang pumasok sa tindahan.
Tatlong oras ang nasunog nila sa pamimili at pag-iikot sa Gangnam. Nang mapagod ay pumunta sila sa isang restaurant na nagsi-serve ng mga authentic Korean cuisine.
Nag-order sila ng isang Emperor set na good for two raw.
"You look so good together. You're like Park Shin Hye and Yoon Shi Yoon in my favorite Korean Drama. You know? Flower Boy Next Door," Sabi sa kanila ng mag-asawang foreigners na nasa kabilang table.
Ngumiti naman siya. "Thank you. You both are also a lovely couple. Are you newly weds?" Tanong niya.
Tumango ang mga ito. "Yes, we are having our honeymoon. We're from Canada." Anang lalaki.
"How old are you? You both look so young yet you're travelling already. That's nice," Anang babae.
"I'm nineteen and he's twenty. This is actually our first time together abroad." Sagot naman niya.
"How long have you been in a relationship? By the way, your boyfriend is cute. He really looked like Shi Yoon."
Kinalabit naman siya ni Ryan at bumulong sa kanya. "Hindi mo naman ako boyfriend, mag-asawa na tayo!" Anito.
Kinurot naman niya ang kamay nito na nasa ilalim ng mesa at nginitian ang mag-asawa.
"He said 'thank you'. I'm sorry he's just shy. He's not used talking to people. Kinda like an introvert." Aniya dito.
Naramdaman niya ang pagsiko naman nito sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin. Sakto namang dumating na ang order nila.
Tahimik lang itong kumain sa kanyang tabi. Mukhang nagtampo 'ata sa ginawa niya.
Nang matapos sila ay nagpaalam na siya sa mag-asawa sa kabilang table. Iniwan kasi siya ni Ryan matapos itong makabayad sa pinagkainan nila.
"Your boyfriend seems mad." Tanong ng babae.
Ngumiti naman siya. "I'm sorry if I say this, but just constipated," Sagot niya na ikinatawa ng dalawa.
Lumabas na siya sa restaurant at hinanap ito. Nakita niya itong nakatayo sa isang waiting shed sa tapat lang ng restaurant.
"Iniwan mo talaga ako ha?" Galit na sabi niya dito.
Pumiksi naman ito nang hawakan niya ito sa braso.
"Ay! Galit si manong," Sabi niya.
Hinarap naman siya nito. "Sino ang hindi magagalit? Hindi mo nga sinabi sa kanila na mag-asawa tayo tapos sinabi mo pang introvert ako! Are you making fun of me?"
Umiling siya. Mukhang nasaktan niya talaga ito. "I'm sorry na. Eh kasi, hindi ka naman nagsasalita kanina habang kinakausap nila tayo. Hindi ka nga nag-'thank you' nang sabihan ka nilang gwapo!" Nakalabing sabi niya.
"I was about to say thank you. Pero gusto ko munang i-clarify that I'm not just your boyfriend but your husband!" Sabi nito.
Sasagutin niya sana ito nang dumating yung bus na sasakyan nila. Hindi na siya nito kinausap pa.
Hanggang sa makarating sila ng hotel nila ay tahimik pa rin ito. Mas dumagdag pa ang lungkot niya nang kumuha ito ng unan sa kama at lumabas ng kuwarto. Mukhang doon ito matutulog sa living room ng suite.
Hindi na lang siya nagsalita pa. Mahirap kasing makipagtalo rito kapag galit o disappointed. Mas magandang bigyan muna ito ng space para ma-kalma.
Natulog siyang kayakap ang unan. Medyo nasanay na kasi siyang ito ang kayakap.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...