Naayos na nila ang lahat ng mga kakailanganin nilang mga papeles para sa pagbabalik nila sa Pilipinas. Handa na rin ang kanilang mga gamit.
Excited naman si Kaleb na sa wakas ay makakapunta na ito sa bansa. Napagplanuhan na rin nila na si Justin ay doon na rin magka-college sa GU at si Kaleb naman ay sa Granville Montessori sa Alabang.
"Anak, okay ka lang ba?" Tanong ng mama niya sa kanya.
Ngumiti siya. "Okay lang naman, ma. Siguro kinakabahan lang dahil siyempre, after almost seven years, makikita ko naman ang Pilipinas." Sagot niya.
"Handa ka na bang makita si Ryan?" Deretsong tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "Sabi ko nga na hindi naman talaga pwedeng itago ko na lang si Kaleb habambuhay. Kasal pa rin ako kay Ryan, ma. Hindi pa rin matatahimik ang mga buhay namin kung hindi namin maaayos."
"Nandito naman kami, Jane. Always remember na andito lang kami para sa 'yo,"
"Tumawag pala si Anna kanina. Sinabi niya na ipapasundo niya daw tayo. Na-email ko na rin sa kanila ang flight number natin," Pag-iiba nito ng usapan.
Tumango siya. "Sige, ma." Aniya. Lumabas naman ito ng kwarto niya matapos silang mag-usap ng sampu pang minuto.
Nang iwan siya ng kanyang ina ay kinuha niya ang laptop niya at nag-browse sa Ayee News!
Spotted! AM Vice President, Ryan Louis Santiago with rumored balikan with his highschool sweetheart, Natalie Gomez! So, ano ang say ninyo? Di ba kasal na si Mr. Santiago? Oh my! Is he cheating?
Pero totoo nga bang hiwalay na talaga si Mr. Santiago at ang asawa nito? Matagal na rin kasing hindi tayo nakakakuha ng news kay Mrs. Santiago. Ano nga kaya ang katotohanan sa mga chismis na 'to?
Sinara na lang niya ang laptop niya. Wala namang magandang naidudulot sa kanya ang mga balita na iyon.
-------------------------------
"Mommy! We're here! Yes! Yes! Yes!" Sigaw ni Kaleb nang makababa sila sa eroplanong sinasakyan nila.
"Shhh. Don't shout. You're disturbing other passengers." Sabi niya dito. Tumahimik naman ito pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...