Jane's POV
"I'm announcing my engagement to Natalie Gomez. If you're asking about my ex-wife Jane, we have been on our separate lives since seven years ago. I guess it never worked for both of us." Sabi ni Ryan sa pahayag nito sa Entertainment Daily.
Pinatay na niya ang TV at nagsimulang asikasuhin ang mga manuscripts na nasa mesa niya. Iyon na ang magiging huling trabaho niya sa AM Publishing.
"Hija! Bakit?" Biglang pasok ni Mommy Anna sa opisina niya. Hawak nito ang resignation letter niya na nakapaloob sa isang puting sobre.
Umiwas siya ng tingin dito. "I want to resign, Mommy Anna." Mahinang sabi niya.
Malalim na buntong hininga ang narinig niya mula dito. Naramdaman niyang naglakad ito papunta sa sofa na nasa opisina niya.
"Come here and let's talk. Hindi iyang ganyan na hindi mo ako matingnan. I know it's more than wanting to resign and leave my company," Sabi nito.
Tumayo siya at naglakad palapit dito. Umupo siya sa katapat na two-seater sofa. Naka-yuko pa rin siya.
"Jane, anak, alam ko na AM Publishing is your dream company to work with. Bakit ka magri-resign? Andito ka na. Besides, you're a part owner of this company." Sabi nito.
Tumulo naman ang luha niya. "I'm sorry, Mommy Anna. I'm not your daughter in-law anymore. Wala na akong karapatan na magtrabaho dito. I don't even deserve a share in this company. Ryan... ah, Ryan." Hindi niya mapigilan ang paghagulhol.
Tumabi si Mommy Anna sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Shhh... I knew it! This is about him! Bakit hija?" Tanong nito sa kanya.
"Kailangan kong i-let go ang lahat na may kinalaman sa kanya, Mommy. I don't like to be tied with him forever. Lalo na ngayon that he's getting married with Natalie. Ayoko naman na masabi ni Natalie na I'm using him to be in this job."
"Iyon lang ba?" Titig na titig ito sa kanya.
"Kaleb might be unplanned pero he was made not by an accident, Mommy Anna. Alam ko noon na mahal namin ang isa't-isa. And then he started getting jealous of me and Kuya Matt. Wala namang namamagitan sa amin kundi purong pagkakaibigan lang. I don't know what happened between us. Akala ko okay na kami. We were happy in Korea. Nagbago lang ang lahat ng ma-aksidente si Natalie," Sabi niya.
Tumango-tango si Mommy Anna.
"Even me, nagtaka rin ako. That's why I had her investigated," Sabi nito.
Tumaas naman ang mukha niya sa narinig. Hindi kasi ma-proseso ng maayos sa utak niya ang sinabi nito.
"Ano po? Investigated?" Tanong niya.
Tumango ito. "Yes, and of course Margaux. I have a lot of evidences and I'm getting near of knowing the whole truth. Una sa nalaman ko, Natalie faked her accident. Hindi siya totoo ang aksidente niya. The doctor faked her medical documents. Second, it's not only her planning the whole thing. Kasama niya si Margaux. And third, I wanna know if the pregnancy is real or not. Sabi kasi ni Ryan sa akin na wala siyang maalala na may nangyari sa kanila ni Natalie. But I still can't find enough information."
Nakatingin lang siya sa mukha nito.
Peke ang aksidente ni Natalie? Margaux and Natalie planned it? Bakit naman nila nagawa iyon?
"Fake accident? Kasali din si Margaux? Bakit naman nila nagawa iyon, Mommy Anna? You're family with Margaux!" Hindi makapaniwala na sabi niya dito.
"Matagal ko nang iniisip na dahil iyon sa pagtanggal ko sa kanya sa AM Entertainment. She was a drug-addict, Jane. Lulong din siya sa bisyo ng pag-inom at pagsusugal. I don't tolerate those kind of behavior in my company. Kahit pamilya pa siya, hindi ko gusto ang ginawa niya. But iyon pa lang ang naiisip ko. The real reason has yet to be disclosed."
"Ano po ang balak ninyo ngayon, Mommy?" Tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya ang hinawakan ang kamay niya.
"I don't want you to resign. Help me with this, Jane. Kailangan mong maging matatag. Kailangan nating maisalba si Ryan. Hindi dapat siya mapunta kay Natalie na yon! Alam ko na may pinaplano sila." Sabi nito.
"I want you to befriend Natalie," dugtong nito.
Hindi siya makapagsalita. Tumango na lang siya bilang sagot dito.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...