Chapter Sixteen - Right Here Waiting

14K 285 5
                                    

Ryan's POV



"Sasabihin ko talaga sa dean na tumanggap sa epal na yun na paalisin siya sa pagtuturo!" Aniya sa sarili.




Tatlong pelikula na ang natapos niya magmula nang maisipan niyang manuod na lang at hintayin na ito sa pag-uwi. Pero lagpas alas dose na ay hindi pa rin ito dumadating. Nasa mesa sa harap niya ang laptop niya, may copy siya ng CCTV footage. Kitang-kita niya ang pintuan ng penthouse nila.





"Kapag hindi pa talaga siya dumating, ipapa-NBI ko na talaga ang Ms. Sungit na yun! Baka na-kidnap na ni gago." Naiinis pa rin niyang sabi sa sarili.





Wala ang atensyon niya sa mga pinapanuod na pelikula. Hindi kasi siya makatiis na hindi tumingin sa laptop niya. Halos anim na oras na siyang andun sa home theater ng penthouse.




"Hoy! Ano ang sinasabi mo diyan?" Biglang sabi ng nasa likuran niya.






Gulat na napalingon naman siya kay Jane.






Paano ito nakapasok? Kanina pa siya tingin ng tingin sa laptop niya.











"Saan ka dumaan? Hindi naman kita nakita sa CCTV ah?" Tanong niya dito.









Tumaas ang kaliwang kilay nito. "Eh bakit mo naman kasi tinitingnan ang CCTV? Hinihintay mo ba ako? Uuuuyyyy, hinihintay niya ako. Ayeeeeee!" Sabi nito sa kanya.






Nagtagis ang mga bagang niya. Ito pa ang may ganang alaskahin siya na ito na nga ang umuuwi sa dis oras ng gabi. Aba, mahirap na sa panahon ngayon. Marami ang masasamang loob.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon