Chapter Eighteen - On Her Side

14.4K 272 2
                                    

Jane's POV







"Welcome to Palawan!" Magkasabay na sigaw nila Aimy. Sammy at Stacey nang makalabas sila sa sasakyan.




"Oh My God! Andito kayo?" Gulat na tanong niya sa mga ito.





"Of course! Malakas kasi kami kay Fafa Ryan 'eh." Sabi ni Stacey na nag-beautiful eyes pa kay Ryan.



Tumawa naman ang huli. Mukhang natawa ito sa pagpapa-cute ni Stacey.





"Huwag kang maniwala diyan, Janey. Ryan invited us to come here kaya andito kami agad." Sabi naman ni Sammy sa kanya.





Nakangiting bumaling naman siya kay Ryan.





"Mom told me to also invite my friends and yours too. Hindi ko lang sinabi sa'yo para may konting element of surprise lang," Anito.






"Ganoon naman pala 'eh di tayo na. Gutom na kasi ako." Sabi niya at nagpatiuna nang pumasok sa loob ng resort.





Sa pagkakaalam niya ay isang exclusive resort iyon kung saan tanging mga members lang ang makakapasok at makakapag-enjoy sa lahat ng amenities ng resort. Balita niya ay umaabot sa dalawang milyon ang membership fee ng resort for one year.




"Oh, there they are!" Nakangiting sabi ni Mommy Anna sa kanila nang makita nila ito. Kasama nito si Daddy Rey at ang mga magulang niya.






Nagbeso naman siya sa mga in-laws niya at nag-congratulate din. Nag-mano

naman siya sa kanyang mga magulang. Sumunod naman si Ryan sa kanya.





Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon