Ryan's POV
Nanlaki ang mga mata ni Ryan ng makita niya ang oras na nasa screen ng kanyang phone. Alas diyes na pala!
Shit!
Nagmadali siyang bumangon mula sa sofa na hinigaan niya. Madaling araw na kasi siya nakatulog. Napuyat kasi siya sa pag-iisip kung paano sila mapagbabati uli ni Jane. Hindi kasi niya kayang maging galit dito ng matagal. Naging over-sensitive lang kasi siya kagabi kaya nagtampo siya.
Agad niyang tinahak ang kwarto nila at binuksan iyon. Nagulat siya nang makitang maayos na ang higaan at may isang maliit na puting sobre na nasa ibabaw niyon. Agad niyang kinuha iyon at binasa ang laman:
Ry, I'm out. When you read this, I'm probably somewhere. Look for Hyun Suk downstairs at the Receptionist's Desk. He'll guide you. I love you. -Jane
Nagtaas na lang siya ng kilay at sinunod ito. Naligo siya, nagbihis at kumuha na lang siya ng canned iced coffee sa mini fridge nila. Bumaba siya at pumunta sa Reception Area. Agad namang tinawag nito si Hyun Suk.
"Hello Sir! My name is Hyun Suk. I am your driver. Follow me, Sir." Anito at nagpatiuna nang lumabas sa hotel. Binuksan nito ang isang itim na sasakyan. Pumasok naman siya.
"Where are we going?" Tanong niya nang makapasok ito sa driver's seat.
"I'm sorry, Sir but I can't tell you. You have to wear the blindfold beside you. It's an order from Miss Jane." Sabi nito.
Nagkibit-balikat na lang siya at inabot ang blindfold. Hindi naman siguro siya ipapahamak ng asawa niya. Nag-'i love you' pa nga ito sa sulat nito kanina.
Ilang beses siyang nagtanong ng "Are we there yet?" dito pero parati lang siya nitong sinasagot na "Almost, Sir." Halos isang oras na kasi silang bumabiyahe. Dahil wala naman kasi siyang nakikita, nagbilang na lang siya ng segundo.
"We're here, Sir." Sabi nito at inihinto ang kotse.
"Can I take off the blindfold now?" Tanong niya.
"No, Sir. I have to assist you in going to the place, Sir." Anito.
Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto nito. Ilang segundo naman ay ang pinto naman niya ang bumukas. Hinawakan siya nito at inalalayan na pumanaog sa sasakyan. Sinara naman nito ang pinto.
Limang minuto ang lakad nila bago ito huminto at binitiwan siya.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...