Chapter Three - The Engagement 2

20.1K 370 5
                                    

Hindi mapakali si Jane. Kanina pa siya nakapagbihis at nakapag-make up. Engagement Party na nila at hindi niya alam kung ano ang gagawin. 





"Jane, are you ready?" Nakangiting tanong ni Anna Santiago sa kanya.





Tumango siya, "Opo, mommy. Medyo kinakabahan lang."




"Don't worry. Siyempre normal lang iyan. Kapag kinasal na kayo ni Ryan, marami rin kayong parties na i-aattend. Eventually, masasanay ka rin." Sabi nito.






"Ah... ehh.. Opo." Alanganing sagot niya.







"Janey!" Sigaw ng mga kaibigan niyang pumasok sa kuwarto. Nagpaalam naman si Mommy Anna sa kanya at lumabas na. Tatawagin lang daw siya kapag handa na ang lahat.








"Wow, ang gaganda ninyo 'ah. Bagay sa inyo." Puna niya sa mga ito. 








Umirap si Stacey "Hmph! Siyempre no! Alangan naman na ikaw lang ang maging maganda sa gabing ito."





Tumawa naman si Sammy, "Oo nga. Aba't nasa pinakamahal na hotel sa buong bansa tayo. At ang susuotin namin ay maong lang? Hindi kami papasukin ng guard!" 


Mga bruha talaga. Apat silang magkakaibigan at pare-pareho silang scholar lang sa Granville. Sila ni Stacey ay parehong nasa kursong Mass Communications at nagtatrabaho bilang writers sa School Paper nila. Si Sammy at Aimy naman ay Media ang kinukuha. Photographers ang mga ito sa school paper.




"Tama na iyan girls, may kailangan pang ipaliwanag sa atin ang kaibigan natin." Saway ni Aimy sa dalawa.


Napabuntung-hininga siya. Alam na niya kung ano iyon. 

"Arranged Marriage," Simpleng sagot niya.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon