Chapter Twenty - Let's Stop It!

15.2K 272 1
                                    

Matapos kumain ay dumeretso sa 5th floor si Jane. Andun kasi ang suite nila ni Ryan.


"So, masaya ka na? Nagtagumpay ka. Pinalayas pa kami ni Ate Rach dito. Kakampi mo ngayon si Ate Rach. Pero hindi mo pa rin mababago na si Natalie lang ang mahal ni Ryan. He's not in love with you. Kapag dumating ang time na ma-realize ni Ryan na hindi niya kayang matali sa'yo habang buhay, sa putikan ka pupulutin!" Salubong sa kanya ni Margaux. Umalis naman siya agad para hindi na maisipang patulan ito.



Naghahanda na si Rachel para sa engrandeng selebrasyon mamaya. Hindi na lang siya pupunta sa baba para magpa-make up. Sigurado siya na may dalang make-up ang mga kaibigan niya. Nagtext na rin ito sa kanya na pauwi na raw ang mga ito.


"Hindi ka ba bababa?" Tanong ni Ryan. Pumasok na ito sa kuwarto nila dala ang suit na susuotin nito.


Umiling siya. "Hindi na lang. Baka andun sila Margaux. Lalayo na lang ako para hindi na magkagulo."


"Sorry ha? Talagang mga spoiled brat ang mga yun. Gustong gawin ang lahat ng gusto nila. Hindi nila iniisip kung ano ang nararamdaman ng ibang tao sa pinaggagawa nila."



She sighed. "Ikaw, ano ba ang nararamdaman mo?" Biglang tanong niya.



Natigilan naman ito. Umiwas ito sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Siyempre, galit ako sa ginawa nila kanina."



Nasaktan siya sa sinagot nito. Halata kasi na umiiwas ito sa gusto niyang itanong.


"Mahal mo pa ba siya?" Hindi niya kayang hindi malaman mula dito ang sagot sa tanong na iyon.



"Matagal na kaming wala. Highschool pa kami n'un. She flew away to the States to pursue an international career in modelling. Ayaw niya kasi na dito lang sa Pilipinas." Lihis na sagot nito.



"That's not what I want as an answer, Ryan." Sabi niya.



"Ano ba kasi ang gusto mong sagot?" Inis nitong sabi sa kanya. Hinarap na siya nito.



"You knew too well na oo o hindi lang ang sagot sa tanong na iyon. Bakit ba kasi hindi mo ako masagot ng deretso?"



"Hindi na importante ang sagot ko sa tanong na iyan. Kasal na tayo at hindi na mababago iyan!" Sigaw nito.



"Just answer me!" Hindi pa rin siya tumigil.



"Ba't ba kasi kailangan mo pang malaman?" Nakatiim bagang nitong sabi.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon