"WELCOME TO GRANVILLE UNIVERSITY!!!"
Napatingin si Jane sa entrance ng auditorium at napangiti ng makita ang mga kaibigan, huminto ang mga ito sa isang malaking table at nagsulat para sa registration. Iminuwestra ng isang usherette ang mga ito sa mga upuang naka-reserba pero tumanggi ang tatlo. Naglakad ito papunta sa kanila.
Kumaway ang mga ito sa kanya ng makita siya sa dulo ng stage. Bumati muna si Stacey, Sammy at Aimy sa mga dating professors nila noong college na ngayon ay mga kasamahan na niya sa trabaho. Isang taon na siyang nagtatrabaho bilang professor sa Journalism Department ng GU.
"Hi Stacey!" Bati niya kay Stacey na siyang nauna sa dalawa at niyakap ito. Naramdaman rin niyang lumapit si Aimy at Sammy at sumali sa group hug.
"Hay, Janey! Kumusta ka naman? I heard you're a terror teacher now," Sabi ni Sammy sa kanya.
Umiling lang siya. "Hindi naman. Binibigay ko lang sa mga students ko kung ano ang dapat para sa kanila. You know, proper education."
Napatawa nalang ang tatlo. "Buti nalang at matagal na akong graduate. Kundi pala baka ikaw ang maging prof ko. Kundi baka bagsak ang aabutin ko sayo." Ani Stacey.
"Hindi lang bagsak baka suspension or debarment pa!" Kantyaw ni Aimy na ikinahalakhak nila.
She rolled her eyes. "Hindi naman. Dahil magkaibigan tayo, bibigyan kita ng special project para makapasa ka,"
Nagtawanan lang sila at nagkwento sa mga pangyayari sa buhay nila. Si Stacey at si Kuya Matt ay may two years old na kambal na. Si Sammy ay happily married na rin sa Irish boyfriend nito at one year old baby girl. Samantalang si Aimy ay kinasal na rin sa doctor na boyfriend nito mga three months ago sa London. Hindi siya nakapunta dahil kalagitnaan iyon ng semester at malayo ang London.
"Kailan niyo ba balak magkaanak Aimy?" Tanong niya.
Nakita niya ang pamumula ng pisngi nito at paghimas nito sa tiyan nito. Nagkatinginan naman sila ni Stacey at Sammy at sabay-sabay na napatili.
"Hoy! Ano ba! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!" Saway sa kanila ni Aimy.
"Congratulations, Aimy! Magiging mommy ka na! It's the best feeling the world!" Sabi ni Stacey at niyakap ito.
"Ilang months na?" Tanong naman ni Sammy.
"Two months na. Two weeks ko lang nalaman kasi si Henry eh, maraming na-observe na signs and symptoms sa akin. I ignored it for a couple of weeks. Hindi ko pinansin iyong madalas na pagsusuka ko at minsan nahihilo ako. Akala ko kasi dahil lang ito sa stress sa work. Then one morning tinanong sa akin ni Hubby kung buntis ba ako. Siyempre, natigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at pumunta ako kaagad sa bathroom namin at tiningnan ko ang supply ng napkin ko. Hindi yon nabawasan." Sabi ni Aimy.
Napangisi siya. "Too much info, I guess."
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...