Kinakalma ni Jane ang kanyang sarili habang naghihintay siyang signal mula kay Mommy Anna. Nakasuot siya ng isand dark violet na gown na may gold belt. Si Mommy Anna ang pumili niyon.
Nasa loob na siya ng Makati Shangri-La para sa Auction For A Cause ng isang foundation. May mga mayayaman na magdo-donate ng isang mahalagang bagay kung saan ang donor mismo ang siyang magmo-model. Siya naman ang inatasan ni Mommy Anna na maging modelo sa isang diamond-studded clutch bag na may gold accent. Isa iyon sa mga mahahalagang bag collection ni Mommy Anna.
Dahil isang sorpresa para sa lahat ang mangyayari, sinabi nito na hindi siya pwedeng lumabas sa isang kwarto hangga't hindi pa siya tinatawag. Sasabihan na lang daw siya ng secretary nito.
Matapos ang halos isang oras na paghihintay ay may kumatok na nga sa pinto. Agad naman iyong bumukas at iniluwa doon si Grace, ang secretary ni Mommy Anna.
"Ms. Jane, kailangan niyo na pong lumabas. Kayo na po ang susunod." Anito at niluwagan ang pinto.
Tumango naman siya at naglakad na palabas. Kanina pa niya hawak ang clutch bag.
"Ladies and Gentlemen, now, for the most precious moment this evening. I clearly won't doubt that," Simula ng host. Narinig naman niyang tumawa ang mga nasa ibaba ng stage.
"A donation by Ms. Anna Montenegro-Santiago, CEO of AM Entertainment, AM Production and AM Publishing. A diamond-studded clutch bag with 24 Karat gold accents on its side. To be modelled by the one and only, Ms. Jane Iris Fuentebella-Santiago!" SIgaw ng host.
Nagpalakapakan ang iba habang may narinig rin siyang bulungan. Pumasok naman siya at umakyat ng stage. Dala-dala niya ang clutch bag at nakangiti. Nag-pose rin siya.
Agad namang nagkislapan ang mga camera. Nasisilawan siya dahil ilang taon rin siyang hindi dumalo sa mga event na iyon. Medyo nasanay na siyang maging isang simpleng tao ulit na walang taga media ang sumusubaybay sa bawat kilos niya.
"Ang bag po ay ginawa pa noong early 1900 sa Italy. Hand-made po ang pagkagawa sa bag. Starting price would be two million pesos."
Isa isa namang nagtaasan ang mga tao na mula sa alta-sociedad. May mga pulitiko rin at mga kilalang personalidad sa showbiz.
"Two point five million," sabi ng host.
Nagpatuloy pa rin ang bidding.
Three million.......
Four million......
Six million...
"Ten Million! Going once, going twice?" Tanong ng host.
"Sold for Mrs. Yamashita for ten million pesos! Thank you, Ma'am." Sabi ng host.
Bumaba naman siya matapos binigay kay Mrs. Yamashita ang clutch bag. Umupo siya sa tabi ni Mommy Anna na abot tenga ang ngiti.
"Good job, hija. Ngayon, maghanda ka dahil sigurado akong dudumugin ka ng press mamaya." Anito.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...