Chapter Twenty Three - My Seoulmate

13.9K 248 2
                                    

Kaninang madaling araw pa sila nakarating sa Seoul, Korea mula sa Manila. Halos apat na oras din ang naging biyahe nila kaya nagpahinga muna sila bago umpisahan ang paglilibot nila sa Seoul.


"So, ready ka na?" Tanong ni Ryan sa kanya. Tumango naman siya.


Nabigla siya nang makita ang sasakyan na pinagbuksan nito.


"Wait, magda-drive ka?" Gulat na tanong niya.


Tumango siya. "Oo, I have IDP kaya okay lang na mag-drive ako. I was also here for a month last year. Sinamahan ko si Ate Rach dito sa isang seminar."


Ngumiti siya. "Okay, sige. Tara na." Sabi niya at pumasok na sa loob.




---------------------





Una nilang pinuntahan ay ang Namsan Tower or mas kilalang N Seoul Tower. Nagpark lang sila at sumakay sa cable car para pumunta sa itaas.


Nang makarating sila dun ay una nilang pinuntahan ang Love Locks. Nakabili na siya ng isang pink na padlock sa Pilipinas.


"Isasabit ko na." Aniya dito.


"Hindi mo naman kailangan na iyan. Andito na naman ang soulmate mo." Sabi nito.


Napangiti naman siya at umiling. Minsan corny rin kasi ang mga sinasabi nito. Pero kadalasan ay tumatalab naman ito. Kilig na kilig kasi siya.


"Huwag ka ngang ganyan. Hindi maku-complete ang Seoul experience ko kapag hindi ko ginawa ito." Kontra niya.


"Pero hindi naman kasi kailangan pa na gaw-"


Hindi nito naituloy ang sinabi dahil hinalikan na niya ito ng mabilis sa labi. Nakita naman niya na nagulat ito. Iyon kasi ang unang beses na siya ang humalik dito sa labas.


Tinalikuran na niya ito. Ikinabit na niya ang lock at tahimik na nagdasal.


Please, let him be the one. Aniya sa isip. Tiningnan niya ang susi bago tinapon ito.


"Saranghae," Bulong ni Ryan nang humarap siya dito.


Matagal bago nag-register sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Alam niya ang translation niyon dahil mahilig naman siyang manuod ng mga Koreanovelas sa internet, iyong wala pang tagalog dub. Mas madali kasi iyon kesa maghintay gabi-gabi sa TV.


Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi. Hindi niya inaasahan na sabihin nito iyon sa lugar kung saan napapaligiran sila ng pag-ibig. Bumagsak na rin ang kanyang luha.


"I don't know when it's started pero siguro nagsimula iyon noong sinabihan mo ako ng masungit. Nasaktan kasi ako nun kasi hindi naman ako masungit. Siguro minsan sumpungin. Kaya na-challenge ako na sungitan ka sa tuwing nakikita kita. Pero na-realize ko na hindi naman ako iyong totoong masungit. Kundi ikaw. Naiinis ako sa tuwing iniiwasan mo ako." Sabi nito.


Nakatingin lang siya dito. Hindi kasi talaga siya makagalaw.


"Damn, Jane! Could you at least say something? Kahit 'okay' lang tatanggapin ko. Just don't act like a tuod there. Para akong nagku-confess ng love sa isang haligi." Reklamo nito.


"Na-do Saranghae," She said.


Natigilan rin ito pero mabilis lang nakabawi. Napangiti ito at niyakap siya.


"Yes! You love me too, Jane? Yes!" Sigaw nito.


He smiled at her. Ginantihan naman niya ito ng isa ring matamis na ngiti.


His smile faded and his head suddenly went to an inch closer to hers. Napapikit na lang siya at naghintay sa mga labi nito.


When their lips met, their hands clasped, their mind tied and their heart became one. Alam niya na sinagot na talaga ng padlock ang hiling niya.


Matagal bago sila naghiwalay. Narinig naman niyang nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid nila.


Tumawa siya at pilit na ikinubli ang mukha sa dibdib ni Ryan. He sensed her kaya niyakap din siya nito.


"I love you, Jane." Anito sa kanya at hinalikan ang buhok niya.


"I love you too, Ryan." Sagot niya.


Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon