Nang matapos kami mag-usap ay iniwan nila kami ni Ryan para daw magkausap kami. Sampung minuto na ang lumipas pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita.
Naiinis na siya sa awkward feeling at katahimikan na bumabalot sa kanila kaya nagkusa na siyang magsalita. "Siguro, simulan muna natin sa introduction, I'm Jane Iris Fuentebella, and I------"
"Alam ko." Anito habang patuloy pa rin sa paghalungkat ng kung anu-ano sa cellphone nito.
"Well, okay, I am taking Mass Commu---"
"Mass Communications. November 19, 1995. White Sauce Pizza, Titanic, Pink and 12" Diretsong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. "ANOOO????"
"Course mo. Birthday, Favorite food, Movie, color and number." Sabi nito.
Paano nito nalaman iyon?
"Paano???"
"Di ba na-interview ka na ni Mommy? Binigay niya sa akin yung mga sagot mo na parang slumbook." Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.
"Ahh, ganu--"
"Hindi ako kagaya mo na sumusunod lang sa takbo ng buhay. Sometimes, you should learn to know the people around you, hindi yung padalos-dalos lang." Anito at tumayo.
"I'm tired. I'll go first."
"Ang sungit," Aniya.
Mukhang natigilan naman ito. "Anong sinabi mo?"
Umiling siya, "Wala."
"Sungit na nga bingi pa," Mahinang dugtong niya.
"HINDI AKO BINGI HA!" Sigaw nito.
Tumawa siya. Iyong tawa na parang baliw. "Narinig mo naman pala 'eh. Ba't mo ako tinatanong?" Sabi niya at nilagpasan ito.
"Sa susunod, linisin mo rin ang tenga mo. Isama mo rin ang utak mo. Kinakalawang na." Aniya at patuloy sa paglalakad.
Bago pa siya makalayo ay pinigilan siya nito,
"Since we're here, I think we must discuss about the marriage." He said.
Bumilis ang tibok ng puso niya. Ang lapit-lapit kasi ng mukha nito. She could smell the scent of his breath.
Mint! Oh how she loved mint!
Natigilan siya. She immediately pulled out his hand and seat back at the sofa.
"Okay, sige." Matapang na sabi niya. Pilit niyang tinatago ang nararamdamang kaba.
"Una sa lahat, our marriage must be all business. Hindi mo ako pwedeng pakialaman sa mga ginagawa, same as I would never care of what you do." Simula nito.
"Okay," sabi niya. Iniwas niyang tumingin sa mga mata nito. He has green eyes. Nakakamangha ang mga iyon.
"We are also free on seeing someone else. Pwede kang makipag-date, at pwede akong makipag-date. Just be careful na hindi ka mabibisto ni mama." Sabi nito bago tumayo.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...