Dalawang linggo na ang nakakaraan magmula nang pumunta sila sa Palawan. At mula noon, hindi na sila nahihiya ni Ryan na ipakita sa isa't-isa ang pagmamahalan nila.
Well, hindi naman umabot na nag-a 'i love you' na sila pero ganun na rin naman yun di ba? They are a married couple and they act like a married couple. Walang pinagkaiba yun. Kasal na sila at legal na para sa kanila ang mga ginagawa.
Binabawasan lang nila yun sa school kasi hindi pa niya nasasabi sa mga kaibigan ang tunay na sitwasyon ng kanilang relasyon ni Ryan. Alam niya na magtatanong ito ng magtatanong at baka masabi pa niya sa tatlo ang nangyari sa kanila ni Ryan.
"Hi sweetie," Bati sa kanya ni Ryan. Niyakap siya nito.
Napasinghap naman siya sa naramdamang pag-iinit nito. "Hoy, may exams pa tayo. Huwag kang mag-aano dyan!" Sabi niya at pinalo ito sa braso.
"Aray naman sweetheart! Alam ko naman iyon. Sabay nga tayong nag-aral kagabi," Anito.
Nag-init naman ang pisngi niya. Hindi naman kasi talaga sila nag-aral kagabi. May ginawa 'lang' sila.
"Tabi! Maligo ka na. Magluluto na ako sa baba," Sabi niya at lumabas na ng kwarto.
—————————————————————————————
"Haaaaay! Exams! Exams! Exams! Walang katapusang exams!" Reklamo ni Stacey sa kanya.
"Huwag ka nang magreklamo. One week na lang, sembreak na!" Sabi naman ni Sammy.
"Oo nga, Stacey. Pero buti pa tong si Janey mukhang mag-babakasyon talaga. Tangina naman! Korea pa! I-kiss mo na lang ako kay Lee Min Ho, Jung Yong Hwa and Jang Geun Suk." Naka-beautiful eyes na sabi ni Aimy. Mahilig kasi ito sa Korean Celebrities.
"Hindi naman Seoul ang pupuntahan nyan! Pyongyang!" Sabi ni Sammy.
"Hoy! Hindi yan! Eh kasi, nakita ko yan minsan sa park malapit sa Serenity Towers, nagdi-date kasama si Fafa Ryan!" Sabi ni Stacey.
Napaubo naman siya. Mukhang may dapat siyang sagutin dito eh.
"Ows? Lalabs na sila ni Fafa Ryan?" Sabi ni Sammy.
"Mukhang may tinatago ang isa dyan eh," Patuloy ni Aimy.
Nakagat naman niya ang kanyang labi. "Oo na! Oo na! Magkasundo na uli kami!" Sigaw niya.
Dali-dali namang lumapit sa kanya ang tatlo.
"Sabi ko na nga ba eh! Tama ang hinala ko!" Nakangiting sabi ni Stacey.
"Teka guys, may naririnig akong kanta." Tigil sa kanila ni Sammy.
Nagtaka naman sila. Wala naman kasing nagpi-play na music eh. Ang tahimik nga sa buon University dahil exam week.
"Binibiro mo ba kami? Wala namang kanta!" Inis na sabi ni Aimy.
"Meron!" Giit ni Sammy. "It's the start of something new! It feels so right to be here with you ohhhh..." Kanta nito sa kanila.
Hinampas naman ni Stacey si Sammy ng notebook. "Gaga! Kung magju-joke ka, sana galingan mo naman!" Anito.
Napatawa naman sila lahat. Ngayon lang kasi nila nakuha ang gustong ipahiwatig ni Sammy sa kanta nito.
"Pero totoo nga ba, Janey? I'm happy for you," Anang tatlo at niyakap siya.
Tumango siya. "Sana, start of something new na talaga 'to!" Sabi niya at yumakap din sa tatlo.
ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPPIE ANG ADVENTURES IN SEOUL, SK! MUWAAHHHHHH! :*********
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...