Chapter Thirty Five - Family Day

13.2K 238 0
                                    


Ryan's POV


Nakatingin siya sa kanyang mag-ina. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa dalawa. Sinabi kasi ni Jane na hindi ito sasama sa outing nila. Umiyak si Kaleb at nagpaawa sa ina. 


"Mom, please..." Sabi ni Kaleb sa pagitan ng hikbi. Namumula na ang mukha nito. 


Tumaas naman ang kilay ni Jane at sa tingin niya ay pinipigilan lang ang sarili na tumawa.


"Kaleb, we already talked about this last night. It could be a good chance for you and your father to bond. Your dad will take care of you, okay?" Sabi ni Jane.


Umiling naman si Kaleb. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng ina. "Mom, please. I want you there. I won't go without you and that's final!" Sabi nito na nakalabi pa.


Jane sighed. Mukhang nahihirapan na itong kumbinsihin ang anak na sumama sa kanya.


"Jane, you can come with us. It would be perfect if you'd come." Sabi na lang niya para hindi na ito tumanggi pa. Nakita naman niyang ngumiti si Kaleb na abot pa sa tenga.


"See? Dad said it would be perfect! Come on, mom. I'll help you pack your things," Nakangiting sabi ni Kaleb at tumakbo na sa taas. 


Lumingon naman sa kanya si Jane at binigyan siya ng isang tiger look. Nginitian naman niya ito.


"Look, hindi iyan aalis kapag hindi ka sasama. Ganyan din ako noon. Hindi pwedeng wala si mommy kapag may lakad," Sabi niya.


"Yeah, right. Wait for us. Tutulungan ko lang si Kaleb dun," Sabi nito at iniwan na siya sa sala.


Matapos ang pag-uusap nila ni Franco sa parking lot ay agad niyang pinuntahan ang mommy niya sa opisina nito. 


"That's what I told you years ago, Ryan! But you never listened! Tapos ngayon may paiyak-iyak ka pang nalalaman. You deserve it." Anito.

"I'm so sorry, mom. I don't know what to do. Masyado kong nasaktan si Jane. Iniwan ko siya, ma. Pinabayaan ko siya. I'm a bastard! I'm so stupid!" Sigaw niya. Binagsak niya ang sarili sa sofa habang nakayuko na napaiyak.

Naramdaman niyang may hinahanap naman ang mommy niya sa office table cabinet nito. Matapos ay tumayo na ito at nilapitan siya.

"You should see this," anang mommy niya at binigay sa kanya ang isang album.

Binuksan naman niya iyon. Napangiti siya ng makita na mga baby pictures niya iyon. 

"You still keep this?" Tanong niya dito.

Ngumiti naman ito. "Tell me, Ryan. Who's that baby? Sino ang mga magulang ng batang iyan?" Tanong nito sa kanya.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya. "What are you talking about mom? Of course, it's me. And you and dad are my parents. Who else can it be?" Sabi naman niya dito.

Tumawa ito. Naghintay siyang tumigil ito sa pagtawa. Pinunasan pa nito ang munting luha sa gilid ng mga mata.

"No, Ryan. I'm not the mother of that child. Hindi rin siya anak ng daddy mo." Sabi nito ng tumigil na ito sa pagtawa.

Rumehistro naman sa mukha niya ang matinding pagkalito sa mga sinabi ng ina. Hindi siya nito anak?

"Don't beat around the bush, mom. What do you mean? Am I adopted?" 

Napangiti uli ito. "No, of course not. You came from me, you are my son. My own flesh and blood. But that baby isn't mine, but yours, Ryan. The baby's mother is Jane. That's Kaleb on the picture." Sabi nito.

Natigilan naman siya. Kung hindi nagkaroon ng relasyon si Matt at Jane, sino pa ba ang pwedeng maging ama ni Kaleb? Hindi naman din imposibleng magkaroon sila ng anak ni Jane. Everytime they make love, they don't care about using protection.

"Kaleb," Mahinang sabi niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso niya nang mabigkas ang pangalan ng batang isang beses lang niya nakita. Parang nagkasabik siyang malapitan ito, mayakap at mahagkan. He badly want his child in his arms right now!

"I'm a father? I'm a dad?" Tanong niya sa sarili.

"I understand Jane's intention of leaving when we found out about the pregnancy, Ryan. Naiintindihan ko siya. Hindi madali para kay Jane ang lahat. I was so sorry that I also thought about her having an affair with Matthew. Ikaw ang mas inaalala ko dahil anak kita. But when I saw the CCTV, na-guilty ako. Malaki rin ang naging kasalanan ko dahil kahit ilang beses nang tumawag si Manang Sylvia sa akin para ipaalam ang kondisyon ni Jane, hindi ko pa rin siya pinuntahan. Kaya nang sinabi ni Jane sa akin na ayaw niyang ipaalam sa'yo ang pagbubuntis niya ay hindi na ako kumontra kahit labag sa kalooban ko. Ayokong malayo sa akin ang apo ko. That's why I arranged everything for them, to make up for my mistakes." Sabi ng mommy niya.

"It's all my fault, mom. Pinabayaan ko ang mag-ina ko. Tama rin siguro ang naging desisyon ni Jane na hindi ipaalam sa akin. I was a mess then. Baka masaktan ko lang siya kapag noon ko nalaman ang pagbubuntis niya," Aniya sa ina.

Lumapit naman ito at niyakap siya. "Take care of your family, Ryan. Huwag mo sanang hayaang malayo sila sa'yo ng tuluyan." Anito at hinagkan siya sa pisngi.

"We'll always be here to support you,"



Napabalik siya sa kasalukuyan ng may pumitik sa harap niya. Nakita niyang natawa si Kaleb. "Got you, dad!"


Napatawa na lang din siya sa sinabi nito. "Ready? Where's mom?" Tanong niya dito.


Tumango muna ito bago tinuro si Jane na papanaog pa lang sa hagdanan. Napaawang ang bibig niya. Jane's really beautiful.


"Tara na," Sabi nito nang makababa na.


"Close your mouth, dad. Mom's really beautiful, right? Bulong ni Kaleb sa kanya.


Ginulo na lang niya ang buhok nito. Silly kid! Nagmana nga sa akin. Tsk!

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon