Chapter Twenty Seven - Kaleb's Wish

12.5K 220 1
                                    

New cast member! Moon Mason as Kaleb Rylane Fuentebella Santiago! SO CUTE THIS BABY SINCE 'BABY AND I' NA MOVIEEEEEEE! Big boy na nga siya ngayon. :) :) :)



————————————————————————————————————-


"Happy Birthday Kaleb! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Kaleb!" Kanta nila dito.



Pumalakpak naman ito at nakangiti kasama ng mga kaibigan nito. Matapos ang kanta nila ay tumingin ito sa kanya.



"Wish and then blow your candles now, Kaleb." Sabi niya.



Ngumiti naman ito at ipinikit ang mga mata. Pagkatapos ay hinipan na nito ang kandila na nasa cake.



"Yeyyy! Happy Birthday, Kaleb. Mommy loves you so much!" Sabi niya at hinalikan ito sa noo.



Humagikhik naman ito. "I love you too, Mom."



Isang linggo pagkatapos nilang nalaman ang pagbubuntis niya ay nagdesisyon silang umalis ng Pilipinas at manirahan na lang sa ibang bansa. Nag-drop siya ng lahat ng subjects niya sa GU.



Nalungkot ang mga kaibigan niya sa desisyon niya pero naiintindihan naman siya ng mga ito. Matapos ang isang buwan ay lumipad na sila patungong San Francisco, California. Ipinakalat naman ni Mommy Anna na sa New York siya patungo para doon na lang tapusin ang pag-aaral.



Isang taon naman matapos ipinanganak si Kaleb ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral. Nag-enroll siya sa University of San Francisco ng Media Studies major in Journalism. Nakapag-graduate siya matapos ang tatlong taon.



"Mommy, are you okay?" Tanong ni Kaleb sa kanya. Kumakain na ito ng cake.



Tumango siya. "Yes, baby. What was your wish? Pwede mo ba sabihin kay mommy?" Aniya at kinurot ito ng mahina sa pisngi.



Nag-isip muna ito bago sumagot. "My wish is supposed to be a secret! But you are my mommy, so I could trust you with it." Sabi nito at tumawa.



Natawa na lang rin siya. Matalino ang anak niya at makulit. Bibong-bibo ito. They're actually celebrating Kaleb's 6th birthday. Matatapos na ito sa kindergarten at sa susunod na taon ay nasa grade one na ito.




"My wish is to see daddy." Sabi nito na ikinatigil niya.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon