"The best foundation for relationships to grow, flourish, and succeed is a deep-rooted friendship."
― Jonathan Anthony Burkett, Friends 2 Lovers: The Unthinkable
Just a nice quote to start this chapter! :)
—————————————————————————————————-
Jane's POV
"Sige, mauuna na ako. Sunod ka na lang ha? Pinapatawag na ako ni Coach."
Paalam ni Ryan sa kanya.
"Basta kapag nanalo kayo, libre mo ako ng dinner mamaya ha? Iyong masarap." Sabi niya dito.
"Oo ba, basta ba ikaw ang cheerleader ko mamaya." Anito.
Tumango siya bilang sagot dito. Kumaway muna ito sa mga kaibigan niya bago umalis.
"Psst!"
Napatingin na man siya kay Stacey. "Bakit?" Takang tanong niya.
"Nagkakamabutihan na talaga kayo ng asawa mo ano?" Tanong nito.
She raised her left brow. "Ano? Di ba sabi ko naman sa'yo na nag-usap kami na maging kaibigan. Mahirap din naman kung away lang kami ng away. We're just friends." Sagot niya dito.
"Friends? Magandang foundation iyan." Sabi naman ni Sammy.
"Foundation ng ano?" Tanong niya.
"Ng isang magandang relationship. Sabi nga nila, mas maganda kung naging friends muna kayo bago naging lovers. Kasi ang love, sa simula lang iyan. Pero kapag matanda na kayo at wala nang kakayahan pang magpa-sweet, at least andiyan pa rin daw yung friendship. To keep you forever."
Napatawa naman siya. "Saan mo naman nakuha iyon? Pero kaso nga, hindi naman kami nag-start as friends. Naging magkaaway kami. Isa pa, kasal na kami bago ang lahat." Sabi naman niya dito.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomansaGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...