Chapter Nineteen - I Got You!

13.6K 260 2
                                    

Kanina pa naiinip si Jane. Nililibang na lang niya ang sarili sa pagpapakain ng mga isda sa pond sa garden ng exclusive resort ng mga Santiago.


Late na kasi siya nagising dahil pinuyat niya kagabi ang sarili sa panunuod ng mga Disney movies. Hindi kasi siya makatulog dahil namamahay siya. Nasa iisang kuwarto lang sila ni Ryan pero mabilis itong nakatulog. Kaya yun, kinuha niya ang laptop niya at pumunta sa living room ng suite nila. Ayaw niya kasing maistorbo ang asawa.


Nang magising naman siya kanina ay alas nuwebe na. Naalala niya tuloy na six-thirty ang almusal ng pamilya. Nakita na lamang niya ang isang tray sa bedside table niya na may lamang pagkain at may note sa gilid:


I didn't wake you up. Alam kong puyat ka. I'm coming with my cousins. May pupuntahan lang kami at babalik rin kami before lunch. -Ryan


"Bakit naman kasi hindi na lang niya ako ginising. Ang kumag talaga. Pangit!" Nakangusong sabi niya.


Tumayo siya at pinagpag ang mga damong dumikit sa kanyang damit. Tatalikod sana siya pero nadulas siya sa pag-apak niya sa isang batong may green algae.


"Oops! I got you!" Sabi ng isang lalaki at madali siyang nahawakan.


Mahigpit naman siyang humawak sa braso ng lalaki. Kung hindi siya nito natulungan ay baka nahulog na siya sa pond at naglalangoy kasama ang mga isda.


"Oh my God! Thank you! Salamat talaga." Sabi niya nang makatayo na siya.


Tumawa naman ang lalaki. "You're welcome. Ikaw kasi, bakit ka kasi nagsasalita mag-isa."


Nanlaki naman ang mga mata niya. "Narinig mo ako? Naku, sorry. Kanina ka pa diyan?"


Tumango ang lalaki. "Yes. Actually, mas nauna ako sa'yo. Nakaupo lang ako sa bench dun," Sabi nito sabay turo sa isang wooden bench na di kalayuan sa pond. "Lumapit ako sa'yo para magpakilala. Kaso, mukhang busy ka sa kakausap sa sarili mo." Patuloy nito.




Kinamot naman niya ang ulo niya. Medyo nahiya tuloy siya sa pinagsasabi nito.

"I'm Alex, by the way. Jane, right?" Pakilala nito sa sarili at inilahad ang kamay sa kanya.


"Yes, Jane. Pinsan ka ba ni Ryan?" Aniya at tinanggap ang kamay nito.


"Oo. My full name is Alexander Montenegro. Anak ako ng kababatang kapatid ni Tita Anna."


Ngumiti naman siya. Kilala niya ang ama nito. Isa lang kasi ang kapatid ni Tita Anna, si Tito Alfonso. Nakilala niya ito nung ikasal siya.


"Yes, I met your dad at my wedding. Kasama niya si Andie. I guess, your older sister?" Sabi niya.


Tumango ito. "Sorry. Hindi ako nakapunta sa wedding ninyo. I was with my mom in the States. We went to see my grandma. My mom's mom."


"Okay lang. Basta ba, hindi mo ako isusumbong kay Ryan. Medyo hindi maganda ang nasabi ko sa kanya kanina 'eh." Aniya.


Tumawa ito. "You don't have to. Your secret is safe with me. Ganun din naman ang nararamdaman ko. Iniwan nila ako." Sabi naman nito.


"Bakit ka nila iniwan?" Tanong niya.


"Late na kasi akong nagising. Madaling araw na ako nakapunta rito with Ate Andie." Sagot nito.


"You two. Come on here. It's time for lunch." Sabi ng nasa likuran nila. Si Ryan!



"Oh, hi Ry! Ang galing ninyo ha? Iniwan niyo kami." Bati ni Alexander kay Ryan.


Tumaas naman ang kilay ng asawa niya. "You sleepyhead! Ang himbing kasi ng tulog mo. Kuya at ate mo lang tuloy nasama namin ni Ricky."


"Ang daya talaga. Sinama niyo pa si Kuya!" Sabi nito at nagpatiuna na sa paglalakad.


Tiningnan naman siya ni Ryan. Naiinis pa rin siya dito kaya sumunod na lang siya kay Alex.


———————————————————————


Tahimik lang si Jane sa isang tabi habang kumakain. Na-OP kasi siya sa mga kwento ng mga magpipinsan. Nasa kabilang dining table kasi sila. Malayo medyo sa dining table ng mga mas nakakatanda. Ang pamilya niya ay dun kumain pati na ang mga kapatid niya. Hindi rin niya makita ang mga kaibigan dahil kaninang umaga pa raw ito lumuwas ng bayan para maglakwatsa. Hindi rin siya sinama dahil 'tulog mantika' raw siya. Dumagdag pa iyon sa inis niya kay Ryan.



"Guys! Look at these pictures of Ryan and Natalie! Aren't they cute together? So adorbs!" Kinikilig na sabi ni Margaux.


Lumapit naman ang ibang mga pinsan nito dito at tiningnan ang camera nito. Hindi pa niya kilala gaano ang mga ito. Ilan lang sa kanila ang nakilala niya.


"You are so beautiful, Natie! You looked like an angel!" Sabi ni Rosie. Isa itong modelo sa France. Sumang-ayon din si Riley, Samantha and Bethany. Mga Pinsan ito ni Ryan sa kapatid ng ama.


"Everyone, stop! Kung hindi niyo pa titigilan iyan, ako mismo ang magpapalayas sa inyo. You don't have the right na bastusin ang sister in law ko. Kumpara sa inyo, may karapatan pa si Jane sa resort na ito." Galit na sigaw ni Ate Rachel sa mga ito.


"Ate Rach, it's okay. Okay lang naman po ako." Hindi niya napigilang sabihin. Kita niya kasi ang pagkabigla sa mga mukha nito.


"Okay lang pala sa kanya Ate Rach," Sabi ni Margaux.


"Kung okay kay Jane, sa akin hindi! Nababastusan ako! Go out of this room now!" Sabi nito.


"Pero Ate Rach, you can't let us! My dad's here!" Sigaw ni Margaux.


"Oh yes! You're dad's here! Kung hindi ka aalis, I would really tell your dad how bitch you are." Sabi nito.



Dali-dali namang tumayo ang mga ito at umalis.


Tatayo sana siya para pigilan ang mga ito. Pero hinawakan siya ni Ryan. Nakita niya ang pagtiim-bagang nito.


"Don't they deserve it." Sabi nito at nagpatuloy sa pagkain.


Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon