Chapter Thirty Nine - For My Mom

12.2K 177 5
                                    

Margaux's pic above :D

*PAAAAAAAK!


Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Margaux sa kanya. Napabagsak siya sa sahig. Ang isang kamay ay nakalapat sa tiyan niya habang ang isa ay itinukod niya sa sahig para pigilan ang malakas na pagbagsak niya.


"What did I tell you, Natalie? Di ba sinabi ko sa'yo na magpabuntis ka kay Ryan! Pero kung sinong lalaki lang ang ikinama mo! You bitch!" Anito at muli siyang sinampal sa kabilang pisngi.

"Ouch! Margaux, please stop! Nasasaktan na ako! Ginawa ko naman ang lahat 'eh para mapansin ako ni Ryan. Pero hindi talaga nag-work. Mahal talaga ni Ryan si Jane," Impit niyang sigaw habang hinahaplos ang dalawang pisngi.


Idinutdot ni Margaux ang hintuturo nito sa noo niya habang mahina siyang sinampal-sampal.


"Pero nagpabuntis ka pa rin sa lalaking yon?" Sabi nito.


Unti-unting bumuhos ang luha niya. "Hindi siya basta-bastang lalaki, Margaux. May mga negosyo ang  pamilya niya at siya ang namamahala dun. Robert is a very responsible man. Mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya. Kaya palayain mo na ako, Margaux. Ayoko nang sumali pa sa paghihiganti ko. Alam mo sa totoo lang, wala namang ginawang masama si Ryan sa akin 'eh. Sa katunayan, ako pa ang may kasalanan sa amin. You brainwashed me and now even forcing me to make his life miserable. My relationship with Ryan did not end well. Pero hindi yon pwedeng rason para paghigantihan ko siya!" Sabi niya.



Margaux smirked at her.


"Mahal? Hindi totoo ang pagmamahal, Natalie. Nagustuhan ka lang ng lalaking iyon dahil may maganda at sexy ka. Pero kapag na-losyang ka na dahil sa pagmamahal na sinasabi mo, iiwan ka rin niya." Natatawang sabi ni Margaux.


Napayuko na lang siya. 


"Isa pa, kung hindi mo ako susundin. Well, hindi mo lang naman makikita ang mama mo." Sabi nito.


Bigla naman niyang itinaas ang mukha. Ikinuyom niya ang kanyang kamay bago nagsalita. "Ano'ng ginawa mo kay mommy?" Tanong niya dito.


Tumawa ito. "I already contacted the hospital. Alam mo naman sigurong may mga tauhan at kakampi ako roon. And besides, ako naman ang nagbabayad ng pang-ospital ng mama mo." Sabi nito.


Nanliit ang kanyang mga mata.


Noong isang buwan pa nauubos ang savings nila ng mommy niya. May cancer ito sa dibdib at dahil may sakit ito, binawas-bawasan niya ang kanyang mga projects para bantayan ito. Nangako kasi si Margaux sa kanya na ito ang magbabayad ng lahat ng hospital bills ng mommy niya kapag ipapagpatuloy lang niya ang plano nila.


"Please... Margaux. Huwag mong idamay si mommy dito. Wala siyang kinalaman sa plano natin at wala naman siyang ginawa sa'yo." Mahinang sabi niya.


Nag-sad face ito bago humalakhak.


"Wawa naman si Nat-Nat. Hindi mo pa rin pwedeng sabihin na walang kinalaman ang mommy mo dito. Halos limang milyon na rin ang nagastos ko para sa pagpapagamot niya. Pero wala namang issue sa akin ang pera, Natalie. As long as, ipagpapatuloy mo pa rin ang plano natin." 


Napapikit siya. "Sige, ipagpapatuloy ko ang plano." Sabi niya dito.


"Good!"


*Beep Beep


"Hoy, Natalie. Ayan, nagtext na si Ryan. He'll take the flight to Manila first thing in the morning." 


-------------------------------------------------------------------------------


"Pwede mo ba sabihin sa akin kung paano kita nabuntis?" Bungad agad ni Ryan sa kanya.


Napalunok siya bago sumagot. "Ahhh... Remember when we went to Mr. and Mrs. Alameda's fiftieth wedding anniversary? You were so drunk then and you stayed here in my apartment with me," Sagot niya.


Ryan looked really confused. 


"Even when I'm drunk, alam ko pa rin ang mga ginagawa ko. Lalo na kung may mangyari sa akin kasama ang isang babae." Anito sa kanya.


Nanginginig ang mga kamay niya. Napaupo siya sa sofa.


"I'm telling the truth, Ryan! Buntis ako at ikaw ang ama. Kaya kung ayaw mong maniwala, you can walk out of this house, walk out of my life and walk out of the life of your child as well!" Naiinis niyang sigaw dito.


Hindi naman talaga siya dito naiinis eh. Mas naiinis siya kay Margaux at lalong-lalo na sa sarili niya.


Lumapit naman si Ryan sa kanya at humawak sa kamay niya.


"No, no, no. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa'yo. I'm just confuse and I still don't know. There's a lot of things that has been running through my mind lately and this? Nabigla lang ako, Natalie." 


She sighed. How can she ever do this to Ryan?



"Dalawa lang naman iyan, Ryan. It's either you take it, or leave it? Kaya kong buhayin ang anak ko na mag-isa. With or even without you." Sabi niya.


"Okay, I'll support the child." Biglang sabi nito.


She smiled and looked at him in the eyes. 


"Hindi lang support ang gusto ko, Ryan. I want you to marry me," Sabi niya.


Nawalan ng buhay ang mukha nito. His face turned pale.


"Marry me, or I'll be out of the country and forget everything about you," Dugtong niya.


Tumango naman ito. "Sige, kung iyan ang gusto mo."


A/N:

Hi guys! Sorry if umabot ng one week before the update. Medyo busy lang sa school. Anyways, I'll really do my best to update sooner than soon. Hahaha Love you guys! Thanks for the 3.6K reads. MWAAAAAAAAAAAAAHHHH

Sincerely Yours,

Noisy Pizza

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon