Chapter Nine - The Interview

16.5K 307 9
                                    

Hindi na mapakali si Jane sa kanyang upuan. Kanina pa siya naghihintay para sa make-up artist niya upang ayusan siya para sa isang engrandeng anniversary ball ng AM Entertainment. Sikat sa buong bansa ang pagtitipon na iyon at taun-taon ay maraming nag-aabang sa ball. Lahat ng artists na under sa AM Entertainment ay hindi pinapalampas ang ball na iyon. As far as she knows, mula sa AM Entertainment ang mga magagaling na aktor at aktres sa bansa.














"Ms. Jane, ready na po ba tayo?" Tanong ni Macy sa kanya.






Tumango siya. Pagkasabi niya ay agad naman itong nagsimula. Nilagyan siya ng foundation at iba pang kailangan sa make-up niya. Inayos rin nito ang buhok niya.







"Malapit ka na ba?"





Nagulat siya nang makita niya si Ryan na umupo sa tapat niya. Nakangisi ito na parang nanloloko. Inirapan na naman niya ito at umiwas na siyang tingnan ito. Pero napakagat labi siya. Ang gwapo kasing tingnan ng sungit sa suot nito.



"Sir, ito na po ang damit na pinili ninyo." Sabi naman ni Karen, isa ito sa mga katulong nila sa bahay.




Mabilis naman siyang napatingin ng makita ang isang eleganteng pulang long dress.






"Yung isang cocktail dress sa cabinet ang pinasusuot sa akin ng mommy mo 'ah," Sabi niya sabay turo sa cabinet na nasa likod nito.





"Yup, but I told her that I picked something for you," Sabi nito.





"Macy, ito ang ipasuot mo sa kanya." Tumango naman si Macy.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon