Jane's POV
Nakatingin lang siya sa mga nangyayari. Hinuli na nang mga pulis si Margaux at ginawang witness si Natalie. Nalaman na rin nila kung nasan ang nanay ni Natalie.
Seems that everything falls into its places... Sabi niya sa sarili.
Napangiti si Mommy Anna sa kanya bago lumapit.
"Thank you, Jane. Maraming nangyari bago natin nalaman ang buong katotohanan. Thank you for helping me solve everything and saving my son from a marriage that he doesn't want in the first place. My son has suffered a lot and ikaw rin, marami ka rin nai-sakripisyo. You are a nice woman Jane. And after everything that happened between you and my son, na-annul na ang kasal niyo and I shouldn't have bothered you in this case but you still helped me. Thank you kahit na sinabi na ng batas na opisyal na kitang hindi anak, you're still my daughter-in-law." Sabi nito sa kanya.
Naluha naman siya sa sinabi nito.
"Thanks, mommy Anna." Aniya at niyakap ito.
Ilang sandali silang nagyakap bago narinig ang pagtikhim ni Ryan na nasa likod nito.
"Mom, pwede ko bang makausap si Jane sandali?" Tanong nito sa ina nito.
Tumango naman si Mommy Anna. "Of course. I'll go ahead, Jane. Thank you ulit." Sabi nito at pinisil ang kamay niyang hawak nito.
Ilang segundo nang wala si Mommy Anna sa kanila bago tumingin si Ryan nang deretso sa mga mata niya. He smiled. "Ah, I heard na ikaw ang nakakuha ng picture ni Natalie sa mall,"
She nodded. "Yes, nag-grocery kami ni Kaleb doon and I met my old friend from High School. Nagkayayaan lang na magkape at magdoughnut. And then may naka-mascot at yung mga bata nagpapicture."
Kumunot naman ang noo nito. "Mga bata?"
"Oo. May anak na rin yung friend ko, si JC. He has a daughter named Katie," Sagot niya.
"Oh, nakita ko yung picture. Anak pala ng friend mo yung batang babae." Sabi nito.
Tumango siya. Nakaramdam siya ng pagbago ng timpla nito. "Oo, anak niya yun. Bakit? May problema ka ba Ryan?" Tanong niya.
Umiling ito.
Tumango siya.
Ilang sandali pa ang lumipas. Akala niya may iba pa itong sasabihin. Nakatanaw lang kasi ito sa mga sasakyan na nasa labas ng police station.
She cleared her throat. "I guess wala na naman tayong pag-uusapan. I think I should go," Anya at humakbang papunta sa nakaparadang kotse niya.
Ryan caught her arm. "Ihahatid na kita," He offered.
Umiling siya. "Don't bother. I brought my car with me. Don't worry, kaya ko naman sarili ko."
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...