Naku! Mga mayayaman talaga!
Seriously??????
Napakamot ng ulo si Jane ng mabasa ang headline ng isang newspaper. Nakalagay kasi ang pangalan nila nang Ryan na iyon.
Hindi naman kasi niya masisisi. Eh, hindi normal na tao ang pakakasalan niya. Kailangan niyang sundin ang pamilyang iyon dahil wala naman silang kaya. Mayaman sila, samantala ang pamilya niya ay sakto lang. Abogado ang papa niya at Accountant sa isang bangko ang mama niya. Kung tutuosin hindi naman sila naghihirap. May trabaho na ang ate at kuya niya. Scholar naman sila ng kapatid niyang bunso sa GU kaya hindi na mahirap iyon.
Noong isang gabi lang niya nalaman na magkaklase pala sa GU-Law ang lolo niya at ang lolo ni Ryan. Noong kapanahunan daw ay nagkasundo silang magkaibigan na ipakasal ang mga anak nila. Pero hindi nangyari iyon. Naging busy kasi ang lolo ni Ryan sa buhay Pulitika. Ang lolo naman niya ay abala sa pagtulong sa kapwa. Nagtrabaho ito sa Public Attorney's Office pagkatapos grumaduate at pumasa bilang abogado.
Nakalimutan na ng magkaibigan ang kasunduan. Pero sampung taon na ang nakalilipas ay nagkita ang mga ito sa City Hall. Nagkasundo na naman sila na ipagpatuloy ang naunang kasunduan nila sa mga apo nila. Kaya heto sila ngayon.
Janeeyyyyy! May tawag ka mula sa maganda. Magandaaa!
Napapitlag mula sa pag-iisip si Jane nang marinig ang tunog na iyon. Napailing siya. Pinakialaman na naman ng kaibigan niyang bruha ang cellphone niya.
"Stacey? Napatawag ka?" Sagot niya.
"Bruuuuhaaaaaaa kaaaaaa!" Tili nito sa kabilang linya. Inilayo niya ng kaunti sa tenga niya ang cellphone.
"Ano ba? Masisira ang eardrums ko sa sigaw mo! Hindi mo ito kayang palitan!" Sigaw rin niya dito.
"Bruha, ako na bahala sa eardrums mo. Sagutin mo muna kung paano hindi mo ako sinabihan na ikakasal ka na pala! At kay Ryan pa! Kay Ryan Louis Santiago! Huwag kang pumunta sa school! Maraming gustong pumatay sa iyo!" Anito.
Natigilan siya. "ANOOO???"
"Oo girl, marami. Nagkakagulo na dito sa GU! Kalat na kalat na ang engagement mo. Alam mo naman na maraming my crush sa asawa mo." Sagot nito.
"Gaano kalala?" Tanong pa niya.
"Meron ka nang 'I hate Jane Fuentebella' page sa facebook. Ang more than 50,000 likes na siya in just one hour!"
Namilog ang mga mata niya. Ganoon ba katindi? Pero paano nangyari iyon????
"Fifty thousand???? Fifteen thousand lang naman ang population ng GU kasama ang Montessori sa Alabang. Pati Day Care Center. Bakit fifty thousand agad?"
Narinig niya ang halakhak ng kaibigan niya. "Sa tingin mo ba mga babae sa GU lang? Hello, pati kaya sa ibang university at buong Pilipinas ata. Nakalimutan mo na ba na naging model ng pants si Ryan three years ago? Mas lalo kaya siyang sumikat dahil doon. Mind you, nag-model din siya for international brand."
Napapikit siya. OHHH NOOOOO!
HINDI HINDI HINDI HINDI HINDI HINDI HINDI PWEDE TOOOOOOOO!!! HUHUHUHUHUHU
"Hello girl???? Sige na paalam na ako! Babay labyuuuu. Usap nalang tayo later. Pinapatawag ako ni Dean." Paalam nito bago ibinaba ang phone.
"I hate you Jane Fuentebella?" Sabi niya sa sarili.
"Oo ate. Tingnan mo ito." Sabad naman ni Justin sa kanya. Pinakita nito sa kanya ang facebook page. 51,207 likes na ito. Nakita niya na maraming pictures niya ang naka-post dun. Iyong iba ay nilagyan pa ng sungay. May isang tinabunan ng mukha ng baboy ang mukha niya.
"ANG BABABOY NILA!" Sigaw niya.
"Jane, may tawag ka." Sabi ng mama niya bago binigay sa kanya ang telepono nila.
"Hello, Jane? Thank Goodness! Kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo pero always busy." Nakilala naman niya agad ang boses na iyon. Si Anna Santiago, ang mommy ni Ryan.
"I'm sorry Tita, nag-usap po kami kanina ng kaibigan ko,"
Kahit sophisticated manamit at striktang tingnan ay mabait naman ang mommy ni Ryan. Pati ang ama nito na si Reynaldo Santiago mabait din sa kanya.
"Okay lang. Sige, huwag ka munang pumasok sa GU. My secretary is going to fetch you right now. We have to pick a dress for your engagement party tomorrow. Is that understood?" Sabi nito.
"Okay po, Tita." Sagot niya.
"Haay, Janey. When will you learn to call me mommy instead of tita?" reklamo nito.
Napangiwi siya. Nahihiya pa kasi siyang tawagin ito na 'Mommy'.
"Ehh... I'm sorry po mommy." Sabi niya.
"That sounds better. Okay, I'll hung up now, bye!"
Engagement Party??? HAHAHAY
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Sungit (Completed)
RomanceGranville University - isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Two years ago ay pumasok si Jane Iris Fuentebella sa university na iyon bilang isang scholar. Pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil sa taon ito, isa na siyang Santiago. ...