Chapter Forty One - JC The Hearthrob

12.2K 187 0
                                    

Jane's POV


Biglang bumitiw si Kaleb sa hawak niya nang papasok na sila sa entrance ng SM Supermarket. Tumakbo ito patungo sa isang cute na pushcart. Hugis kotse yun na may malaking basket sa likuran para sa mga groceries na bibilhin.


"Kaleb, be careful," sabi niya at agad na sinundan ito.


Inalalayan niya itong sumakay sa pushcart.


Inuna niya ang aisle ng mga milk powder. Kailangan na niya kasing bumili ng gatas nito. Wala pa naman ang mga magulang niya dahil nasa Bohol ito at nagbabakasyon sa resort ng kumpare ng ama niya.


"Mommy, can we buy gummy bears?"


Narinig niyang sabi nito. Nasa aisle na sila ng mga sweets. Balak kasi niyang bumili ng Choco Mallows na matagal na niyang hindi nakakain.


"Okay, but just one mini pack ha? Sweets aren't good for you," Sabi niya.



"Yey! Yes, mommy." Sagot nito. Ito na rin ang kumuha ng isang pack na nasa pinakamababang bahagi.


Napangiti siya ng makita ang mga carton ng Choco Mallows. Umabot siya ng isa pero tumaas ang kilay niya ng may kamay rin na humawak dun sa kinuha niya.


"Hey!" Inis niyang sabi.


"I'm sorry. I didn't know you're going for it too. I'll grab the other one." Anang isang baritonong tinig.


Napatingala naman siya dito. Namilog ang mga mata niya. Iyon din ang naging reaksyon ng lalaki.


"Jane?"



"JC?"


Halos sabay rin nilang sabi. Natawa na lang silang dalawa.


"Hindi ko inakala na sa lahat ng pwedeng dahilan para magkita tayo ay sa Choco Mallows pa." Nakangiting sabi nito sa kanya.


Ngumiti siya at tumango. "Yeah, Choco Mallows din ang dahilan kung bakit nakilala mo ako," Aniya dito.


Nag-agawan kasi sila noon sa isang Choco Mallows sa canteen nila. Sabay kasi silang nagsabi ng Choco Mallows ang bibilhin nila. Kaya ang ginawa ng dalawang tindera ay nagbato-bato pik nalang ang mga ito. Iyong sa kanya ang nanalo.


"Come on, don't flatter me that much. Kilala na kita since first year highschool pa pero hindi tayo nagkaroon ng chance na maging close. Hindi naman tayo naging mag-classmates. You always belong sa first section at ako naman sa second." Sabi nito.


"But you were popular back then. MVP pa ng basketball at nanalo pang Mr. Highschool noong fourth year. Sabi nga nila, JC The Hearthrob!" Nginitian niya ito.

Married to Mr. Sungit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon